Tagalog News: ASEAN unti-unting natutugunan ang HIV epidemic sa rehiyon
Manila (21 August) -- Unti-unti ng natutugunan ng Association of the Southeast Asian Nations (ASEAN) ang HIV epidemics sa rehiyon sa tulong ng mas pinalawak na pakikibahagi nito sa involvement and empowerment sa People Living with HIV (PLHIV).
Ang Vientiane statement of Commitment on the Greater Involvement and Empowerment of People Living with HIV ay inindorso ng ASEAN Senior Officials sa ginanap na pagpupulong ng mga ito kaugnay sa health and development noong nakaraang buwan.
Nakapaloob sa pahayag ng Vientiane ang kahalagahan ng pagbibigay pansin sa people living with HIV (PLHIV) at ang pagpapatibay sa partisipasyon ng ASEAN sa pagpaplano at implementasyon ng binuong hakbang laban sa HIV at AIDS sa rehiyon pati na rin ang pagbuo ng mga key measures tungo sa involvement at empowerment ng PLHIV.
Ang pahayag na ito ng binuo kasabay ng ginanap na ASEAN Regional Consultation on Project Development for Finalizing the Regional Proposal and Plan of Action for Greater Involvement and Empowerment of People Living with HIV. Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa ASEAN Task Force on AIDS (ATFOA) at People Living with HIV mula sa ASEAN member states; UNDP; Asia and Pacific Network of People Living with HIV/AIDS; CARAM Asia; Raks Thai Foundation; Third World Network at ng ASEAN Secretariat. (Abbenal/PIA 12) [top]