Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 27 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/21

Tagalog News: Pangulong Arroyo nasa maayos na kondisyon - Dureza

Manila (21 August) -- Tiniyak ni Press Secretary Jesus Dureza sa publiko na ang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay nasa ayos na kondisyon at maayos ding pinamumunuan ang mga pagpupulong para sa kaayusan ng bansa at pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan tulad ng inaasahan ng mga ito.

Ayon kay Dureza, normal lamang umano na ma-stress ang Pangulo nitong mga huling araw dahil sa sitwasyon sa Mindanao ngunit sa kabila nito'y ginagampanan pa rin nito ng maayos ang kanyang tungkulin para sa ikabubuti ng mga mamamayan at maisaayos ang mga sitwasyong dapat ayusin sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga paraan upang masolusyunan ang iba't-ibang suliraning hinaharap ng bansa.

Patuloy din umano ang Pangulo sa pagmononitor ng sitwasyon sa bansa at pinapangunahan din ang mga security cluster meeting. Sumailalim na din ang Pangulo sa medical testing upang matiyak ang kalusugan nito at sinabing nasa maayos na kalagayan ito.

Tiniyak din ni Dureza na hindi palalampasin ng Pangulo ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na sumalakay sa ilang lalawigan ng Mindanao at parurusahan ang dapat parusahan habang pinag-aaralan pa ng Korte Suprema ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng pamahalaan at MILF. (Lgtomas/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»MOA signing for coalition Vs TB set August 21, says DOH
»New tax reform brings relief to individual taxpayers - BIR
»Mindanao biz leaders urge on sustainable responsible investments
»Bizmen hope for business-friendly GRP-MILF MOA
»Lumads focus of DA's rural program
»Business name registration in Davao down to one day
»Davao del Norte leads implementation of DIDP-IFSP projects
»Davao Norte is region's best ECCD implementer
»Sarangani villages activate defense force
»Davao Chinatown unveils arches
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines