Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 14 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/21

Tagalog News: Huling mga kaso ng media killings naresolba na

Manila (21 August) -- Inihayag ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary at Task Force Against Political Violence and Extrajudicial Killings (TF211) Chairman Ricardo Blancaflor na ang mabilis na pagresolba ng huling tatlong kaso ng media killings ay naisakatuparan dahil sa suporta at kooperasyon ng pamilya ng mga biktima.

Ito ay matapos masampahan ng kasong murder ang mga pumatay sa RMN commentator na si Martin Roxas ng Roxas City at ang pagsampa din ng iba't-ibang kaso laban sa mga pumatay kay RMN commentator Dennis Cuesta ng General Santos City sa loob lamang ng dalawang lingo dahil umano sa mabilisang imbistigasyon at masusing pakikipagtulungan ng pamilya ng mga biktima upang agarang matukoy ang mga salarin.

Ayon kay Blancaflor, patuloy pa ring isinusulong ng pamahalaan ang kanilang kampanya laban sa media killings upang maprotektahan ang karapatan ng mga mamamahayag at mabigyan ng katarungan ang kanilang pagkamatay.

Umapila naman si Blancaflor sa pamilya ng mga biktima na kung gusto nilang agarang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay, makipagtulungan lang sa imbistigasyon at magbigay ng mga komprehensibong impormasyon upang maturo at maparusahan agad ang mga salarin. (Lgtomas/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»MOA signing for coalition Vs TB set August 21, says DOH
»New tax reform brings relief to individual taxpayers - BIR
»Mindanao biz leaders urge on sustainable responsible investments
»Bizmen hope for business-friendly GRP-MILF MOA
»Lumads focus of DA's rural program
»Business name registration in Davao down to one day
»Davao del Norte leads implementation of DIDP-IFSP projects
»Davao Norte is region's best ECCD implementer
»Sarangani villages activate defense force
»Davao Chinatown unveils arches
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines