Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 24 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/21

Tagalog News: Masinsinang pursuit operations laban sa MILF ipinag-utos ni PGMA

Koronadal City (21 August) -- Habang patuloy ang labanan sa pagitan ng pwersa ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF), ipinag-utos ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng masinsinang pursuit operations laban sa mga miyembro ng MILF na sangkot sa pagsalakay sa ilang lalawigan sa Mindanao.

Ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermita, ipinag-utos din ng Pangulo sa pwersa ng pamahalaan na suriin at halughugin ang lahat ng sulok ng pinaghihinalaang kuta ng mga miyembro ng MILF upang maiwasan ang re-occupation at matiyak na ang kapayapaan at katahimikan ay maibabalik para sa seguridad ng mga mamamayan.

Binigyang diin din ni Ermita na ipapatigil lamang ng Pangulo ang military operations laban sa nabanggit na rebeldeng grupo kapag nahuli na sina Ombra Kato at Bravo pati na rin ng mga miyembro nito at kapag napakawalan na ang kanilang mga bihag.

Ipinag-utos din ng Pangulo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Education (DepEd), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of National Defense (DND) at iba pang ahensiya ng pamahalaan na magsagawa ng relief at rehabilitation activities at makipagtulungan sa local government units upang maibalik sa normal ang pamumuhay ng mga mamamayang naapektuhan ng kaguluhan sa lalong madaling panahon.


Karahasan ng MILF lubos na ikinagalit at ikinadismaya ni PGMA

Lubos na ikinadismaya ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang di-makatarungang ginawa ng ilang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos itong sumalakay sa ilang lalawigan sa Mindanao na nagdulot ng kaguluhan at tuloy nagkaroon ng epekto sa pag-usad ng peace process sa pagitan ng pamahalaan at ng nabanggit na grupo.

Kinuwestiyon din ng Pangulo ang pamunuan ng MILF dahil sa kakulangan ng kontrol sa kanilang base commands partikular na sa naganap na karahasan sa Lanao del Norte at Cotabato ng kanilang field commanders na sina Ombra Kato at Bravo na nagdulot ng pagkamatay ng mga inosenteng sibilyan at paglikas ng libu-libong mamamayan mula sa kanilang komunidad.

Ayon sa Pangulo, ang pagkabigo ng pamunuan ng MILF na kontrolin ang kanilang mga field commanders ay nagpapakita lamang ng kakulangan ng sinseridad ng organisasyon para sa pagsulong ng peace process. Kung noon umano'y pinalalampas ng pamahalaan ang mga karahasang tulad nito dahil sa pangambang magdudulot lamang ito ng mas malaking suliranin, ngayon umano'y hindi na maaari.

Sa ginanap na National Security Cluster-Cabinet Meeting kamakailan, ipinag-utos ng Pangulo sa pwersa ng militar at kapulisan na magsagawa ng masusing massive operation laban sa mga miyembro ng MILF na sangkot sa pagsalakay at panggugulo sa ilang lalawigan ng Mindanao pati na rin ang pagprotekta sa mga lugar na may banta ng pagsalakay upang matiyak ang seguridad ng mga mamamayan.


Leyretana kinondena ang nagyayaring kaguluhan sa Mindanao

Kinondena ni Mindanao Economic and Development Council (MEDCo) Chair Undersecretary Virgilio Leyretana ang nagyayaring kaguluhan sa ilang bahagi ng Mindanao dala ng mga rebelding grupo na malaki ang naging epekto sa pamumuhay ng mga inosenteng sibilyan lalo na sa lalawigan ng Lanao del Norte at Sarangani.

Ayon kay Leyretana, dahil sa kaguluhang ito nagkaroon ng pagkabalam sa pagsisikap na mapa-unlad ang kabuhayan ng mga mahihirap na Mindanawons partikular na yaong napilitang lumikas sa kanilang tahanan dahil sa pagsalakay ng mga rebelding grupo sa kanilang lugar.

Ang pangyayaring ito umano ay malaki din ang naging epekto sa socioeconomic development ng Mindanao at lalong nagpalala sa negatibong kaisipan ng ilang mamamayan tungkol sa Mindanao na naging dahilan ng pagbaba ng business expansion opportunities at pagbubukas ng trabaho para sa mamamayan sa lugar.

Sa kabila nito umapela si Leyretana sa lahat ng Mindanawons na magtiwala at huwag mawalan ng pag-asa sa kakayahan ng pamahalaan na mabigyang katuparan ang hangarin ng lahat na magkaroon ng tuluyang kapayapaan sa Mindanao. (Lgtomas/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»MOA signing for coalition Vs TB set August 21, says DOH
»New tax reform brings relief to individual taxpayers - BIR
»Mindanao biz leaders urge on sustainable responsible investments
»Bizmen hope for business-friendly GRP-MILF MOA
»Lumads focus of DA's rural program
»Business name registration in Davao down to one day
»Davao del Norte leads implementation of DIDP-IFSP projects
»Davao Norte is region's best ECCD implementer
»Sarangani villages activate defense force
»Davao Chinatown unveils arches
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines