Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 16 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/27

Tagalog News: Peace process hindi pinahalagahan ng MILF - Allaga

Manila (27 August) -- Inihayag ng isang top military official na hindi pinahalagahan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang peace process na isinusulong ng pamahalaan matapos ang kanilang di-makatarungang pagsalakay sa ilang lalawigan ng Mindanao na nagresulta ng kaguluhan, pagkasugat at pagkamatay ng ilang inosenteng sibilyan pati na rin ng mga militar.

Ayon kay Western Mindanao Command chief Lt. Gen. Nelson Allaga, dapat managot ang mga miyembro ng MILF na nasa likod ng panggugulo at pagpaslang sa mga militar at sibilyan matapos ang pag-ambush ng mga ito sa military convoy sa lalawigan ng Lanao del Sur at pagsalakay sa bayan ng Kauswagan, Kulambogan, Labason at Maigo, Lanao del Norte.

Patuloy naman ang pagsasagawa ng AFP ng operasyon laban sa nabanggit na rebeldeng grupo upang maresolba ang kaguluhan sa pagitan ng pamahalaan at MILF habang nagpapatuloy pa rin ang peace process. Umaasa naman ang AFP na ipapatigil ng pamunuan ng MILF ang mga pagsalakay at pananakot ng ilang miyembro nito sa mga inosenteng sibilyan.

Sa kasalukuyan, nagsanib pwersa na ang AFP at Philippine National Police (PNP) sa pagbibigay seguridad sa mga lugar na may banta ng pagsalakay ng MILF upang mapanatili ang katahimikan at matiyak ang kaligtasan ng bawat mamamayan. (Lgtomas/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Sec. Yap graces 1st Region 8 Coco Summit
»TESDA 8 pays tribute to partners, loyal staff, successful graduates, in its 14th anniversary
»Leyte commemorates 2nd year of Inopacan mass grave exhumation
»LMP Leyte prexy trains for new role as mayor mentor
»PGMA leads centennial celebration of Philippines Free Press
»PGMA unveils commemorative statue of Cardinal Santos in Pampanga
»Palace seeks P1.4 trillion nat'l budget for 2009
»President Gloria Macapagal-Arroyo's Speech during the Groundbreaking Ceremony of the Global Gateway Logistics City
»Palace eyes help of Sweden, Blair on peace negotiations with MILF
»PGMA welcomes $1.025 billion Kuwaiti investment venture in RP
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines