Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 16 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/29

Tagalog News: Dagdag kaalaman sa kahalagahan ng pili ibabahagi ng PAFC at ng provincial government sa mga Sorsoganon

Sorsogon Province (29 August) -- Sa pagpupunyagi na maipaalam sa mga magsasaka ang karagdagan pang kahalagahan ng pili o canarium ovatum sa lalawigan ng Sorsogon, isasagawa ng pamahalaang panlalawigan ng Sorsogon at ng Provincial Agricultural and Fishery Council (PAFC) Industrial Crops Committee ang libreng dalawang hands-on training sa darating na Lunes, September 1, 2008, dito sa lalawigan ng Sorsogon.

Ang unang pagsasanay ay nakatuon sa tapping of pili sap o Manila Elemi kung saan ituturo ni Mr. Arsenio Ella ng Forest Products Research and Development Institute ang tamang pagkuha ng resin o dagta na makukuha mula sa katawan ng puno ng pili.

Ayon kay PAFC Chairman Godofredo Ditan, sa pamamagitan ng teknolohiyang ituturo ni Mr. Ella, tiyak na tataas ang kita ng sinumang may tanim na puno ng pili hanggang hindi pa namamatay ang puno nito.

Ang ikalawang pagsasanay ay gagawin naman sa hapon sa kaparehong araw na pangungunahan ni Mrs. Minda Yee ng Leslie's Pili Products. Nakatuon naman ito sa PILI PULP OIL EXTRACTION o ang tamang pamamaraan sa pagkuha ng langis mula sa pili pulp. Ang nasabing langis, maliban sa pagiging mabango ay magagamit sa iba't-ibang paraan ng pagluluto at pagkain. Aniya, sagana din ito sa medicinal properties.

Dagdag pa ni Ditan na aktwal na gagawin ng mga lalahok sa pagsasanay ang mga pamamaraang ituturo sa kanila kung kaya't ipinapayo niya sa mga nais matuto ng pili tapping na magdala ng maliit na itak na gagamitin sa pagkuha ng resin o dagta mula sa katawan ng pili, habang telang katsa, maliit na bote at kawali naman ang dapat dalhin ng bawat grupong nais matuto ng pili pulp oil extraction.

Nanawagan si Ditan sa mga nais maging bahagi ng nasabing mga pagsasanay na magpalista sa tanggapan ng PAFC na matatagpuan sa opisina ng provincial agriculturist dito sa syudad ng Sorsogon.

Aniya, inaasahan ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Sally Lee at ng PAFC na sa pamamagitan ng mga pagsasanay na ito, mas marami pang mahahalagang kaalaman ang matututunan ng mga magsasaka mula sa tanim nilang mga puno ng pili. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Task Force C-130 Hercules lacks sonar equipment
»Task Force C130 has enough naval assets for search
»Crash search highlights equipment lack
»Tagum to use human excreta as fertilizer
»Region XI hosts Mindanao consultation-dialogue on situation analysis of children in RP
»112 teams in join Davao's biggest football tourney
»Davao Norte launches stream bank protection and rehabilitation project
»Panabo exec activates Rat Patrol
»700 Panaboans apply for Gaisano mall
»Panabo Rotary reaches out to daycare children
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines