Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 14 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/29

Tagalog News: Disaster management code isusulong ng Sorsogon

Sorsogon Province (29 August) -- Dahilan sa pagiging vulnerable ng lalawigan ng Sorsogon sa iba't-ibang uri ng kalamidad, binabalak isulong ni Sorsogon Governor Sally A. Lee ang isang disaster management code upang higit na matiyak ang kaligtasan ng mga residente sakaling may mga kalamidad na dumarating.

Ayon kay Lee, mahalagang mayroong iisang sistemang susundin ang komunidad sa pagpapatupad ng mitigation, preparedness, response at rehabilitation components sa panahon ng kalamidad.

Aniya, makabubuti ring alam ng bawat LGUs ang kanilang geologically hazard map at mga tuntuning kinakailangan sa pagpili ng mga lugar na pagtatayuan ng mga komunidad, relocation areas at maging ng mga gusali.

Sa pakikipanayam ng PIA sa gobernador, lumabas din ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Family Disaster Plan ng bawat pamilya. Aniya, bibihira lamang mapag-usapan ang Family Disaster Plan subalit malaki ang papel na ginagampanan nito upang masabing handa nga ang isang komunidad sa anumang mga sakuna o kalamidad.

"Kung may disaster plan ang National, Provincial, Municipal, City at Barangay Disaster Coordinating Council, dapat ring hikayatin ang bawat komunidad na magkaroon ng Family Disaster Plan nang sa gayon ay maiwasan ang perwisyo sa buhay at ari-arian ng mga residente," ayon pa kay Lee.

Samantala, upang mapawi naman ang mga agam-agam at mabigyan ng tamang impormasyon ang mga residente dito ukol sa epekto ng mga naganap na sunud-sunod na mga pagyanig nitong mga nakaraang araw, ipinaliwanag naman ni Bulusan Volcano Observatory resident volcanologist Bella Tubianosa ang mga salik na nakaapekto sa pagkakaroon ng tsunami, storm surge at tidal wave.

Aniya, ang storm surge ay kadalasang may kaugnayan sa bagyo, ang tidal wave ay may kaugnayan sa galaw ng dagat habang ang tsunami naman ay kadalasang sanhi ng mga pagyanig o lindol. Hindi rin niya inaalis ang posibilidad ng pagkakaroon ng tsunami sa Sorsogon sakaling magkalindol nga ng malakas kung kaya't pinayuhan niya ang mga residente na panatilihin ang pagiging handa sa lahat ng sandali.

Sinabi rin niyang malaki ang posibilidad ng panganib sa mga reclamation o filled-up areas, yaong malalapit sa mga river channels at sa mga bakilid na lugar sa panahong may mga malalakas na pagyanig.

Ayon pa kay Tubianosa, base sa kanilang record, naitala ang isang tsunami sa distrito ng Bacon noong 1954 kung saan 101 ang nasugatan at 13 ang namatay. Naitala naman ang isang malaking tidal wave sa Sorsogon Bay at pinakamalakas na lindol sa Sorsogon sa lakas na intensity 9 noong 1840. Maliban sa mga ito ay wala nang naiulat pang kahalintulad na mga insidente dito hanggang sa kasalukuyan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Task Force C-130 Hercules lacks sonar equipment
»Task Force C130 has enough naval assets for search
»Crash search highlights equipment lack
»Tagum to use human excreta as fertilizer
»Region XI hosts Mindanao consultation-dialogue on situation analysis of children in RP
»112 teams in join Davao's biggest football tourney
»Davao Norte launches stream bank protection and rehabilitation project
»Panabo exec activates Rat Patrol
»700 Panaboans apply for Gaisano mall
»Panabo Rotary reaches out to daycare children
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines