Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 26 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/29

Tagalog News: DepEd nakikipagtutulungan sa SEAMEO sa pagpapataas pa ng kalidad ng edukasyon sa bansa

Sorsogon Province (29 August) -- Nakikipagtulungan ang Department of Education sa pangunguna ni DepEd Secretary Jesli Lapus sa Southeast Asian Ministers of Education Organization, Regional Center for Educational Innovation and Technology (SEAMEO-INNOTECH) upang higit na mapalago ang kaalaman at kapasidad ng mga school principal at maiangat pa ang kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong eskwelahan sa bansa.

Ayon kay Lapus 1,200 na mga school principal na ang sumailalim sa apat na linggong matinding on-line sessions kung saan nagkaroon sila ng group interaction, one-on-one consultations sa kanilang flexible learning tutor at nagsagawa rin ng mga online forums kasama ng kapwa nila principal. Ang naturang kurso ay naipatupad sa ilalim ng programang DepEd EXCELS-Excellence in School Leadership in Southeast Asia.

Binigyan ang mga ito ng pagkakataong magbasa, magdownload at pag-aralan ang iba't-ibang resource materials, at sagutan ang mga ibinigay na mga exercises at case studies. Kabilang pa sa mga pinag-aralan ng nasabing mga prinsipal ay ang Association for Supervision and Curriculum Development (ASCD) materials at ang Harvard Education Review online.

Isa sa pinakapangunahing requirement ng nasabing kurso ay ang pasama-samahin ang mga school improvement plans ng mga rehiyon sa bansa. Nagbigay rin ang partner TEI ng tatlong academic credits na maaaring gamitin bilang graduate degree in education ng mga principal na sumailalim dito.

Sa Lalawigan ng Sorsogon, pitong elementary at secondary school principal ang nakabenipisyo na sa naturang programa kung saan agad naman ang mga itong nagpatawag ng pulong upang ibahagi ang kanilang mga natutunan pati na ang mga makabagong estilo ng pagtuturo.

Ayon kay 2nd district OIC Assistant School Division Superintendent Danilo Despi, sa pamamagitan ng pagpapataas pa ng kanilang kasanayan, makatitiyak tayo ng de-kalidad na pamumuno at pamamahala sa mga paaralan sa lalawigan.

Kung kaya, ayon sa kanya, malaking tulong ang pagmaximize at pagsasama-sama ng kanilang kaalaman sa larangan ng online classes, individual coaching gamit ang internet at harapang pagtuturo. Maliban dito, makatitiyak din na ang magiging resulta nito ay talagang ginawa ng mismong mga prinsipal na nakakaalam sa tunay na pangangailangan ng bawat eskwelahang nasasakupan niya.

10th Busig-On Festival reels off Sept. 1, PGMA is special guest

by LV Lagatuz Labo, Camarines Norte (29 August) -- President Gloria Macapagal-Arroyo will be the guest of honor and keynote speaker in the opening ceremonies of the 10th Busig-On Festival and the 208th foundation day of this municipality on Monday, September 1, at the Labo Sports Plaza, here.

According to town Mayor Winifredo B. Oco, the President will lead the ribbon cutting for the formal opening of the Labo Tourism Trade Fair and Exhibit Center located in-front of the Labo People's Park. "This Center will showcase various local products and alternative livelihood of Laboeños."

The chief executive will also visit Museo de Labo after which she will conduct a dialogue with representatives of various sectors: farmers, cooperative, business, academe and local leaders of the province of Camarines Norte.

According to Oco, the festival intends to enrich people's awareness in the development of local culture, history, and arts.

He said it will boost tourism and increase job opportunities for Laboeños. "In return it will bring economic gains in consonance with the program of President Arroyo to fight poverty ("Labanan ang Kahirapan").

Furthermore, exhibits of different icons of the Virgin Mary will be displayed at the lobby of the municipal hall to commemorate her birthday on September 8, which coincides with the foundation day of Labo in the 18th century.

Busig-on Festival was started September 1-8, 1999. Coined from a Malay dictionary, Busig-on originated from root words "Busig" which means water and "on" meaning plenty. Busig-on is directly associated with Busig-on River, the longest river system in Camarines Norte which literally generates plenty of water.

This festival is based on an epic entitled "Ang Epiko ni Busig-on" written by Dr. Carlos C. Galvez, incumbent Labo Municipal Information Officer and Civil Defense Deputized Coordinator. (PIA Camarines Norte) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Task Force C-130 Hercules lacks sonar equipment
»Task Force C130 has enough naval assets for search
»Crash search highlights equipment lack
»Tagum to use human excreta as fertilizer
»Region XI hosts Mindanao consultation-dialogue on situation analysis of children in RP
»112 teams in join Davao's biggest football tourney
»Davao Norte launches stream bank protection and rehabilitation project
»Panabo exec activates Rat Patrol
»700 Panaboans apply for Gaisano mall
»Panabo Rotary reaches out to daycare children
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines