Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 27 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/29

Tagalog News: Presidential Roundup: PGMA naniniwalang magampanan ni Rep. Locsin ang CARL extension

Manila (29 August) -- Hinikayat ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pamilya ni Makati Representative Teodoro Locsin Jr. ng Philippines Free Press na suportahan ang pagpapalawig pagpapatagal ng Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL). Matatapos na ito sa Disyembre ng taong kasalukuyan.

Tiwala ang Pangulo na magagampanan ng maayos ni Rep. Locsin ang naturang hakbang, kagaya ng ginawa ng ama nitong si Teodoro Locsin, Sr. at ni dating Pangulong Diosdado Macapagal na ama naman ng Pangulo kaugnay sa pagpapalawak ng reporma sa lupa.

Tiniyak naman ni Locsin ang buong suporta nito sa hakbangin ng Pangulo at bilang executive editor ng pinaka-matandang newsweekly magazine sa bansa, sinisiguro nitong magtatagumpay ang naturang adhikain ng administrasyon.

Matatandaang idinaos kamakailan ang Free Press centennial o ang ika isandaang (100) anibersaryo nito sa Mandarin Oriental Manila sa Makati City kung saan ang Pangulong Arroyo ang naging tagapagsalita o panauhing pandangal. (Lgtomas/PIA 12)


Land Reform Law malaking tulong sa mga maralitang magsasaka

"Malaking tulong ang Land Reform Law upang labanan ang mga makapangyarihang nagmamay-ari ng lupa na nagsasamantala sa karapatan ng mga maralitang magsasakang Pilipino", ito ang hayagang paglilinaw ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa ginanap na Free Press centennial celebration kamakailan.

Ayon sa Pangulo, kagaya ng kanyang amang si Diosdado Macapagal, malaki ang pagmamahal nito sa mga maralitang magsasaka at social justice kabilang na dito ang reporma sa lupa kung kaya't isinusulong nito ang pagpapalawak sa Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) upang matulungan ang mga magsasaka sa bansa na magkaroon ng reporma sa kanilang lupang sinasaka.

Dagdag pa ng Pangulo, noong kasagsagan ng pagpapasa nito ng CARL extension bilang panukalang batas sa kongreso, binigyang diin nito ang kahalagahan ng naturang bill na naglalayong magkaroon ng 10-year extension hanggang sa taong 2018. (Lgtomas/PIA 12)


Task Force binuo ng gobyerno upang maudlot ang media killings

Hinimok ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang mga mamamahayag sa bansa na ipagpatuloy ang gawain sa pagpapa-unlad ng demokrasya sa Pilipinas.

Kanya ring kinondena ang pagpaslang sa ilang miyembro nito dahil hangarin lamang ng mga mamamahayag na maipaabot sa mga Pilipino ang tunay na impormasyon, partikular na sa karapatang pantao.

Ayon sa pangulo, sa mga panahong ito, kailangan ng bansa ang Philippines Free Press upang magsilbing gabay sa pinaka-mahalagang kalayaan at responsibilidad ng mamamayan.

Binigyang pugay din ng Pangulo si Rep. Teodoro Locsin dahil sa natatangi nitong paganap bilang isang responsableng mamamahayag at opisyal ng gobyerno.

Kasabay nito, binuo ng Pangulo ang isang task force base sa ipinalabas na Administrative Order 211 laban sa mga suspetsado sa pagpatay sa mga journalist upang mabigyan ang mga ito ng katarungan at maprotektahan ang seguridad ng iba pang mamamahayag. (Lgtomas/PIA 12)


Pangulo pinapurihan ng Rizal Football Team

Pinapurihan ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pitong miyembro ng Rizal Football Team (RIFA) mula sa San Agustin College at Southridge School na nanalo sa ginanap na championship ng 11-year old category Norway Cup 2008 na ginanap sa Oslo, Norway noong July 26 hanggang August 4, 2008.

Ayon sa Pangulo ang panalong ito ng kabataan sa nasabing patimpalak ay isa na namang malaking karangalan para sa bansa. Inihayag nito ang kanyang paghanga sa pagsisikap at dedikasyon ng mga kabataan na maipanalo ang nasabing laro habang ini-aabot ang team's photography at trophy.

Dagdag pa ng Pangulo na ang litrato ng Rizal Football Team na binubuo nina Aldrin Malvarosa, Michael Drilon, Mathew Osit, Paolo Jacob, Set Isay, Rafael Labos at team captain Lawrence Salindog ay ilalagay sa museum kasama ang ilang Filipino World Champions. (Abbenal/PIA 12)


PGMA isinuri ang presyo ng mga bilihin sa Mandaluyong public market

Sorpresang binisita ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang mga residente ng Mandaluyong City sa Boni public market sa kahabaan ng Barangka Drive.

Kasama ng Pangulo si Agriculture Secretary Arthur Yap na nag-surpise visit upang masuri ang presyo ng mga bilihin partikular na ang presyo ng bigas na ibinibenta sa Boni market.

Mula sa poultry at meat section, ang Pangulo ay dumaan sa fish section sa kanyang paglabas ng palengke.

Sa tulong ng Department of Agriculture at ng National Food Authority, ang Pangulo ay nagsikap na matugunan ang pagtaas ng presyo ng bigas sa pamamagitan ng pagbibigay ng maraming supply ng NFA rice na mas mura na P18.25 kada kilo.

Dahil dito, ang mga nagbibenta ng bigas ay napilitang magpababa ng presyo ng kanilang itinitindang commercial rice na ngayon ay hindi na umaabot ng P40 bawat kilo at sa gayung paraan, ang mga consumer ay may maraming pagpipilian kung aling uri ng bigas ang bibilhin. (apple/PIA 12)


PGMA pinangunahan ang seremonya para sa dalawang paaralang elementarya sa Mandaluyong City

Pinangunahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang groundbreaking ceremonies para sa dalawang bagong school buildings na itatayo sa Barangay Barangka at Barangay Bato sa Mandaluyong City.

Ang P80 milliong gusali ng Ilaya Barangka Elementary School (IBES) ang papalit sa talumpu't-walong taon at inaanay na dalawang palapag na Eulogio Rodriguez school building.

Sa pamamagitan ng mga bagong gusali, ang 1,509 na mga estudyante ng IBES ay magkakaroon ng magandang amenities at overall school environment.

Ang isa pang school building na ipapatayo sa Mandaluyong City ay ang tatlong palapag na 12 classroom Science Building sa Doņa Pilar Gonzaga Elementary School (DPGES) sa Barangay Hagdan Bato.

Ayun kay Mandaluyong City Representative Neptali Gonzales II, ang DPGES ay napili ng Department of Education (DepEd) bilang isa sa mga nagungunang elementary science school sa National Capital Region noong nakaraang taon.

Sampung computer at printer sets, multi-media projector at isang photocopier ang naibahagi sa principal ng DPGES na si Whenma Hilario. (apple/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Task Force C-130 Hercules lacks sonar equipment
»Task Force C130 has enough naval assets for search
»Crash search highlights equipment lack
»Tagum to use human excreta as fertilizer
»Region XI hosts Mindanao consultation-dialogue on situation analysis of children in RP
»112 teams in join Davao's biggest football tourney
»Davao Norte launches stream bank protection and rehabilitation project
»Panabo exec activates Rat Patrol
»700 Panaboans apply for Gaisano mall
»Panabo Rotary reaches out to daycare children
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines