Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 22 September 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2017 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/03

Tagalog News: Ugnayang kredit isinasagawa sa mga probinsiya ng Rehiyon Dose

Koronadal City (3 November) -- Sa layuning magkaroon ng ugnayan ang mga magsasaka sa mga government financing institutions o GFIs puspusan ngayon ang ginagawang pag-ugnay ng Department of Agriculture at ng Agriculture Credit and Policy Council o ACPC sa pamamagitan ng Ugnayan Kredit sa mga probinsiya.

Una itong isinagawa noong October 28 sa Agricultural Training Institute para sa mga partisipante ng South Cotabato; October 29 naman sa Amas, Kidapawan City para sa area ng North Cotabato at October 30 sa Isulan, Sultan Kudarat para sa mga magsasaka ng nasabing lalawigan.

Ayon kay Ginoong Norman William Kraft, ang Public Affairs and Information Services Director ng Agriculture and Policy Credit Council o ACPC, mahalagang ipaalam sa mga magsasaka ang mga programa at serbisyo ng mga government financing institutions upang mabigyan ng access ang mga magsasaka na maka-avail ng pautang na suporta sa kanilang pagsasaka lalo na sa mga rice and corn farmers.

Ayon kay Kraft umaabot sa 31.5 bilyong piso ang nailaan para sa agri-fishery credit na commitment ng mga government financing institutions tulad ng Land Bank of the Philippines (LBP), Development Bank of the Philippines (DBP), Cooperative Banks at Allied Bank. Kung kayat tinatawagan niya ang mga magsasaka at mga cooperatiba na tangkilikin ang mga progarmang inilaan para sa kanila.

Samantala, maliban sa mga nabanggit na mga financing institutions nagbibigay rin ng serbisyo ang Philippine Crop Insurance Corporation at ang Quedan Corporation o QuedanCor at ang Department of Agriculture sa pamamagitan ng Accelerated Enhancement Competitiveness Fund o ACEF.

At para sa mga magsasaka na nagnanais maka-avail ng mga serbisyo at programa ng mga lending institutions, sumangguni sa tanggapan ng Landbank, Development Bank of the Philippines, Allied Ban, Coop Banks, Rural Banks, para sa karagdagang impormasyon. Maari ding lumapit sa tanggapan ng Department of Agriculture Regional Office sa Koronadal City.

Idinagdag pa ni Kraft na ang DA at ACPC ay mayroong mga itinalagang agri-credit desk officers bawat rehiyon. Ang mga ito ay sina Danilo Centillas ang regional agri-credit desk officer; Evelyn Galas para sa probinsiya ng South Cotabato, Inocencio Padilla sa Sultan Kudarat, Noli Villaruz sa North Cotabato at Juandrilo Bulang para sa probinsiya ng Saranggani. (rafid-da-12/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Ilonggo farmers battle poverty and climate change with rain water harvesting technologies
»Commentary: Social cohesion, a challenge for ASEM partners
»Outcome of US presidential election won't affect US-RP relations - Dureza
»Palace defends PGMA's foreign trips
»RP cannot afford to be complacent in face of global crisis - Malacanang
»Commentary: Speaking Out
»Cebuano News: Resulta sa piniliay pagka-Presidente sa US dili makatandog relasyon sa US ug Pilipinas - Dureza
»Cebuano News: Pilipinas dili malipayon sa giatubang nga kalibutanong krisis - Malakanyang
»Cebuano News: PGMA nanguna sa nasud sa kasaulogan sa adlaw sa mga minatay
»Cebuano News: Mga kabataan giawhag ni Presidente Arroyo pagtabang pagpananom
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines