Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 22 September 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2017 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/03

Tagalog News: Taga-South Cotabato, itinanghal na "Outstanding Rural Woman" ng bansa

Koronadal City (3 November) -- Isa na namang karangalan ang nakamit ng ating rehiyon matapos dalawang kababaihan mula dito sa rehiyon dose ang nagwagi sa national level.

Itinanghal na first prize winner si Ginang Victoria Motril ng Tupi, South Cotabato at Olive Gamboa ng Valencia City, Bukidnon bilang Outstanding Rural Women ng Department of Agriculture.

Ayon kay DA-12 Regional Director Abusama M. Alid, personal na iginawad ni Agriculture Secretary Arthur Yap ang cash prize na nagkakahalaga ng tig P75,000 at plake kay Motril at Gamboa noong Lunes (October 20) sa awarding ceremony na isinagawa ng Bureau of Soils and Water Management Convention Hall, Diliman, Quezon City.

Si Motril ay itinanghal na winner dahil sa kanyang outstanding performance. Si Motril ay isang biyuda, isang magsasaka at kasalukuyang manager ng V Motril Food Products. Si Motril ay pangulo rin ng municipal Rural Improvement Club ng Tupi, Chairman din ng Municipal Agriculture and Fishery Council ng Tupi, Secretary ng Provincial AFC, member ng Exellence Award; member ng Parish Economic Council; member ng solid waste management at monitoring and evaluation team.

Samantala, maliban kay Motril itinanghal din na 3rd prize winner si Ginang Luisa Balagot ng Makilala, Cotabato sa kahalintulad na search. Siya ay tumanggap ng sampung libong piso (P10,000) at plake.

Si Ginang Luisa Balagot nagpakita rin ng kagalingan bilang modelo sa mga kababaihan ng Makilala sa pag-organisa ng gardeners association na nakatulong sa kanilang komnidad at maging sa probinsiya ng North Cotabato bilang pangulo ng Rural Improvement Club o RIC. (rafid-da-12/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Ilonggo farmers battle poverty and climate change with rain water harvesting technologies
»Commentary: Social cohesion, a challenge for ASEM partners
»Outcome of US presidential election won't affect US-RP relations - Dureza
»Palace defends PGMA's foreign trips
»RP cannot afford to be complacent in face of global crisis - Malacanang
»Commentary: Speaking Out
»Cebuano News: Resulta sa piniliay pagka-Presidente sa US dili makatandog relasyon sa US ug Pilipinas - Dureza
»Cebuano News: Pilipinas dili malipayon sa giatubang nga kalibutanong krisis - Malakanyang
»Cebuano News: PGMA nanguna sa nasud sa kasaulogan sa adlaw sa mga minatay
»Cebuano News: Mga kabataan giawhag ni Presidente Arroyo pagtabang pagpananom
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines