Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 22 September 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2017 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/04

Tagalog News: Programang pang-kaunlaran hatid ng gobernador sa 3 bayan ng Oriental Mindoro

Calapan City (4 November) -- Sapagkat naniniwala ang administrasyong Panaligan na ang pag-unlad ng mga bayan ang siyang magsusulong sa kaunlaran ng lalawigan kung kaya't tuluy-tuloy ang pagkakaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng kinakailangang programa at serbisyo sa iba't ibang bayan.

Buong araw ng Oktubre 21 ang inilaan ni Gobernador Arnan upang personal na ipagkaloob ang iba't ibang programa sa tatlong bayan sa ikalawang distrito.

Nasa 2,431 pamilya sa bayan ng Bansud ang kanyang binigyan ng libreng health insurance mula sa Pamahalaang Panlalawigan.

Mga kapitan mula sa 13 barangay ng nabanggit na bayan ang tumanggap ng mga Philhealth cards mula sa gobernador para sa kani-kanilang nasasakupan. Kasama ng gobernador sa pamamahagi nito sina Mayor Ronaldo Morada, Vice-Mayor Donato Manato at ilang konsehal ng bayan.

Ayon sa gobernador, mahalagang programa ng kanyang pamunuan ang pagkakaloob ng libreng health insurance dahilan sa direkta ang benepisyo nito sa mahihirap nating kababayan. Sinasagot nito ang malaking bahagi ng gastusin sa pagpapagamot kapag nagkakasakit. Taun-taon, aniya, dinaragdagan ang pondo nito sa kanyang hangaring masaklaw ng programa ang mahigit 100,000 pamilyang Mindoreņo pagsapit ng taong 2011.

Dagdag ng gobernador, bahagi rin ng kanyang programang pangkalusugan ang pagpapatayo ng bagong Provincial Hospital sa lungsod ng Calapan, pagpapaayos ng Pinamalayan Community Hospital at Roxas District Hospital.

Ang Pinamalayan Hospital ay para sa mga mamamayan ng Pinamalayan, Gloria at Bansud samantalang ang Roxas District Hospital ay para sa kapakinabangan ng mga kababayan natin sa Roxas, Mansalay at Bulalacao. Dalawang malalaking ospital ayon sa gobernador ang ipapagawa sa ikalawang distrito bilang pagpapakita ng kanyang pagkalinga, pagtulong at pagmamalasakit sa mga kababayan natin dito na sinasabing nakaligtaan ng mga nakaraang panahon.

Isinabay na rin sa okasyon ang pagkakaloob ng P5,000 tulong puhunan sa may walong manininda sa pamilihang bayan. Bahagi ito ng programang SEA-K na nasa pangangasiwa ng Provincial Social Welfare and Development Office.

Sa mga pangangailangan ng kanilang bayan na tinugunan ng gobernador, pasasalamat ang pahatid ni Mayor Morada. Aniya, bago pa lamang siya sa pulitika at sa loob ng isang taon at apat na buwan niyang panunungkulan, katulong niya sa pagpapaunlad ng kanilang bayan ang gobernador.

Binisita rin ng gobernador ang ipinagawang library sa Bansud Central School. Tinatayang nagkakahalaga ng P500,000 ang proyekto na nagmula sa Pamahalaang Panlalawigan. Pasasalamat sa gobernador ang paabot ng mga estudyante at guro ng naturang paaralan. Nangako ang gobernador na paglalaanan ng kaukulang pondo ang natitira pang pagawain dito upang kaagad nang mapakinabangan ng mga mag-aaral.

Samantala, umabot sa P979,342 tulong pinansyal naman ang naging kabahagi ng bayan ng Bongabong.

Sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Tanggapan ng Punong Bayan, ipinagkaloob ni Gobernador Arnan kay Camantigue Brgy. Capt. Aniceta Orongan ang dalawang tsekeng nagkakahalaga ng P800,000. Kahilingan ito ng barangay bilang karagdagang pondo para sa pagpapaayos ng irigasyon at konstruksyon ng health center.

Isandaang libong pisong tulong pinansyal para sa pagpapaayos ng ABC Hall ang tinanggap naman ni ABC President at Mapang Brgy. Capt. Nestor Mameng mula sa gobernador.

Sinaksihan ni Mayor Hercules Umali ang gawain at walang hanggang pasasalamat ang kanyang paabot sa gobernador sa kagyat nitong pagtugon sa mga kahilingan ng kanyang kababayan.

Pangunahin sa mga proyektong pang-imprastraktura ng Pamahalaang Panlalawigan ang pagsasaayos ng farm-to-market roads sapagkat malaking tulong ang dulot nito sa pagdadala ng mga produkto at kalakal ng mga magsasaka sa pamilihan.

Ito ang hatid na mensahe ng gobernador nang siya'y maging panauhing pandangal sa pagpapasinaya ng farm-to-market road sa Sitio Lomboy, Brgy. Paclasan sa bayan ng Roxas. Katuwang ng gobernador sa ribbon-cutting ceremony sina Mayor Jackson Dy at Vice-Mayor Violeta Dimapilis.

Isang milyong piso ang halagang kaloob ng gobernador upang maipatapos ang proyekto at maidugtong ang naturang daan sa Brgy. San Isidro at Brgy. San Aquilino. Isandaan at tatlumpu't limang libong piso (P135,000) ang counterpart fund ng Pamahalaang Bayan sa pamumuno ni Mayor Dy.

Ayon kay Mayor Dy, malaking tulong ang ibinigay ng gobernador dahilan sa matagal ng mithiin ng mga mamamayan sa lugar na magkaroon ng maayos na kalsada. Pilapil lamang dati-rati ang tanging dinaraanan ng mga ito. Aniya pa, mahal ng mga taga-Roxas ang gobernador sapagkat lahat ng kanilang kahilingan ay kanyang napagbibigyan Makakaasa siya na buo ang kanilang suporta sa kanyang pamunuan.

Plake ng pagkilala at resolusyon ng pasasalamat sa gobernador ang kaloob ng buong barangay council ng Paclasan sa pangunguna ni Brgy.. Capt. at ABC President Larry Salazar.

Ayon kay Kapitan Salazar, walang hanggan ang kanilang pasasalamat sa gobernador. Bukod sa farm-to-market road na ito, naipatapos na ng Pamahalaang Panlalawigan ang road concreting project sa Sitio Wawa na may habang 410 lineal meters. Isang milyong piso (P1M) ang ginugol sa proyekto.

Mula nang maglingkod sa Pamahalaang Panlalawigan, buung-buo na ang suportang ipinamamalas ng mga taga-Roxas kay Gobernador Arnan kung kaya't sinusuklian niya ito ng mga programang higit pang magpapaunlad sa bayan. (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»ComVal exec insists LGUs support no rebel group
»71 demolitions set to clear Davao waterways
»Davao councilor to ask PGMA to look into NHMFC-BHFI deal
»Cash infusion helps Davao City economy
»Davao eyes convention venue through private sector
»Davao Norte puts its sights on sports
»Mindanao ports gear up for ISO 9001-2000
»Major supplier ANI sets up Davao consolidation center
»PGMA promotes Laguna as an investment haven
»President to inspect 107-hectare gov't housing project in Laguna
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines