Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 24 November 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << November 2017 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/04

Tagalog News: Kasanayan at kabuhayan para sa kabataan, itinataguyod ni Gob. Arnan

Calapan City (4 November) -- Patuloy ang pamunuan ni Gobernador Arnan sa pagbibigay-oportunidad sa mga kabataang Mindoreņo na magkaroon ng pagkakakitaan at maging mga aktibong kabahagi sa kabuuang pag-unlad ng lalawigan.

Noong Oktubre 11-24, 21 kabataan ng Barangay Calero sa syudad ng Calapan ang binigyan ng pamahalaang panlalawigan ng libreng pagsasanay sa cellular phone repair sa ilalim ng programang Kasanayan at Kabuhayan Para sa Kabataan o KKK. Ang KKK ay nasa pangangasiwa ng Provincial Public Employment Service Office sa pamumuno ni Antonio Magnaye, Jr.

Ang pagsasanay na hiniling ni SK Chairman Mac Rafael Ylagan ay 10 araw na isinagawa sa barangay hall at pinangasiwaan ni G. Benjie Sibayan na isang TESDA accredited trainor.

Sa isa sa mga araw na abalang nagsasanay ang mga kabataan, bumisita dito si Gobernador Arnan. Hinikayat niya ang mga kabataan na pahalagahan ang oportunidad na ipinagkakaloob sa kanila ng pamahalaan at gamitin ito upang tulungan ang kani-kanilang pamilya at gawing maalwan ang kani-kanilang pamumuhay.

Bukod sa libreng pagsasanay, binigyan din ang mga lumahok dito ng starter kit na nagkakalahaga ng P1,300 bawat isa.

Kaugnay nito, ipinagbigay-alam ni SK Chairman Ylagan na pagkatapos ng pagsasanay ay pinaplano niyang bumuo ng asosasyon at maglagay ng celphone repair shop sa barangay upang magtuluy-tuloy ang pinasimulan na niyang proyekto.

Nakiisa sa gawain sina Kapitan Efren Magsisi, at mga konsehal ng barangay na sina Ed Gozar, Tess Maramot at Susan Jose. (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»ComVal exec insists LGUs support no rebel group
»71 demolitions set to clear Davao waterways
»Davao councilor to ask PGMA to look into NHMFC-BHFI deal
»Cash infusion helps Davao City economy
»Davao eyes convention venue through private sector
»Davao Norte puts its sights on sports
»Mindanao ports gear up for ISO 9001-2000
»Major supplier ANI sets up Davao consolidation center
»PGMA promotes Laguna as an investment haven
»President to inspect 107-hectare gov't housing project in Laguna
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines