Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 24 November 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << November 2017 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/06

Tagalog News: Leyretana isinusulong ang pagbuo ng MEDA

Koronadal City (6 November) -- Isinusulong ni Mindanao Economic and Development Council (MEDCO) Chairman Undersecretary Virgilio Leyretana ang pagbuo ng Mindanao Economic Development Authority (MEDA) upang maisulong ang kaunlaran sa Mindanao sa pamamagitan ng integrated at consolidated approach lalo na sa paglutas sa mga problema sa Mindanao.

Binigyang diin ni Leyretana ang kahalagahan ng consistency at permanent mechanism na magseseguro sa patuloy na development efforts sa Mindanao. Aniya putol-putol umano ang development sa Mindanao at walang consistency sa mga polisiya kung kaya't wala umanong kaseguruhan na magkakaroon ng patuloy na suporta dito pagkatapos ng 2010.

Matatandaan na noon pa man ay suportado na ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagtataguyod ng peace and development sa Mindanao. Noong siya ay nanunungkulan pa lamang bilang Senador ng bansa, isinulong nito ang MEDCO bill kasama si Senator Santanina Rasul kung saan ito ay umabot sa pangalawang pagbasa. Sa kabila nito nagpalabas si dating Pangulong Corazon Aquino ng Executive Order 192 upang buuin ang Mindanao Economic Development Office (MEDCO).

Ipinagpasalamat naman ni Leyretana ang sponsorship nina Representative Simeon Datumanong ng Lone District ng Maguindanao at Representative Datu Pax Mangudadatu ng unang distrito ng Sultan Kudarat sa House Bill No. 5255 para sa pagbuo ng MEDA.

Umaasa si Leyretana sa mabilisang pagpasa ng nasabing batas na magtataguyod ng interes ng lahat ng mga Mindanaoans. (Abbenal/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Peace builders learn from Northern Ireland experience
»Better communication plan needed for peace process
»LTO releases schedule of revised fines, penalties
»Esperon optimistic on peace talks resumption
»Davao City sources P3.2-B budget from taxes, IRA
»RP aims to save Coral Triangle
»PAL-RCI 'Fam Tour-Caribbean cruise: A cruise to remember
»PGMA prods LGUs to cut red tape, adopt uniform business regulations
»PGMA orders PAGCOR and concerned agencies to coordinate in providing the needs of NHA-Calauan settlers
»PGMA: Overall economic plan saves RP from negative impact of global financial crisis
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines