Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 21 September 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2017 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/07

Tagalog News: Sorsogon nagsagawa ng advocacy consultation ukol sa PGMA accelerated hunger mitigation program

by BA Recebido

Sorsogon Province (7 November) -- Isang advocacy-consultation meeting ang isinagawa noong Huwebes dito sa syudad ng Sorsogon na nagbigay-daan upang matalakay ang mga hakbang na makatutulong sa pagsusulong ng wastong nutrisyon at angkop na mga pamamaraan upang epektibong maipatutupad ang Accelerated Hunger Mitigation Program sa lalawigan ng Sorsogon.

Ang Accelerated Hunger Mitigation Program (AHMP) ay ipinatutupad ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang landmark program nito upang malabanan ang kahirapan at matugunan ang suliranin sa pagkain at malnutrisyon sa 54 na probinsyang nakararanas ng kakulangan sa pagkain at kahirapan sa buong bansa.

Ayon kay Gov. Sally A. Lee, ang lalawigan ng Sorsogon ay isa sa natukoy sa tatlong prayoridad na lalawigan para sa AHMP kung kaya't ang lalawigan ng Sorsogon, kasama ng labing-apat na munisipalidad at isang syudad nito, ay makatatanggap ng iba't-ibang mga serbisyo partikular ang serbisyong tutugon upang mapabuti ang kalagayan ng nutrisyon at kalusugan ng mga mamamayan dito.

Aniya, nasa ikapitong puwesto sa national level ang lalawigan ng Sorsogon sa mga lalawigang may ipinatutupad na hunger mitigation program.

Sa ginawang advocacy-consultation meeting, binigyang linaw ang papel na ginagampanan ng mga local government executives at mga pangunahing opisyal ng nutrisyon sa syudad at mga munisipalidad sa buong lalawigan upang mapaigting ang adbokasiya at epektibong maipatupad ang AHM Program.

Maliban dito, tinalakay din sa nasabing aktibidad ang kasalukuyang sitwasyon sa pagkain ng bansa, mga kaukulang impormasyon ukol sa AHMP-Promote Good Nutrition Component, Millennium Development Goals, Infant and Young Child Nutrition Global Strategy, at iba pang mga kaalaman ukol sa kalusugan at nutrisyon sa pangunguna nina National Nutrition Council (NNC) Nutrition Officer Marilyn C. Valeza, NNC Nutrition Program Coordinator Arlene Reario at Elena M. Espinas, NEDA Economic Development Specialist Chief, na pawang mula sa Regional Office V.

Kinilala rin sa nasabing pulong ang Good Practices on Hunger Mitigation at ang maayos na programa sa nutrisyon ng LGU Gubat sa pangunguna ni Gubat Mayor Deogracias B. Ramos, Jr. kung saan sa buong lalawigan ng Sorsogon, tanging ang bayan lamang ng Gubat ang regular na nagsusulong at nagpapatupad ng hunger mitigation program at Mellinium Development Goals.

Bago natapos ang pulong, nagkaroon ng deklarasyon at pirmahan ng Pledge of Commitment to AHMP ang mga Local Chief Executives at mga stakeholders sa pangunguna nina Sorsogon Gov. Sally A. Lee at League of Municipalities of Sorsogon President Mayor Juan Guysayko.

Ang wastong nutrisyon sa rehiyon ay isinusulong ng National Nutrition Council, Department of Health, Department of Agriculture, at ang tanggapan ng Pangulo upang matugunan ang kakulangan ng kapasidad ng mga mamamayan partikular yaong mahihirap na hindi makabili ng kanilang pagkain. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PGMA groundbreaks $100-M aircraft maintenance facility for Asian region at Clark
»PGMA optimistic about future of Filipinos
»PGMA to remain steadfast in fight against insurgency
»PGMA inaugurates Teletech's newest customer care center
»ASEAN inks 3 air transport agreements
»DSWD, local gov't execs to present to PGMA MOA on cash assistance to the poor
»PGMA inaugurates Subic fuel blending plant
»Reyes to hold dialogue with LPG stakeholders
»ASEAN Secretariat, Hubei province celebrate cooperation agreement
»We cannot just arrest suspected criminals, says Cotabato PNP
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines