Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 24 November 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << November 2017 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/07

Tagalog News: Panibagong biktima ng red tide sa Sorsogon muling naitala

by BA Recebido

Sorsogon Province (7 November) -- Hindi pa rin natatapos hanggang sa kasalukuyan ang banta ng panganib ng red tide sa mga residente dito sa lalawigan ng Sorsogon partikular yaong mga nasa palibot ng Sorsogon Bay.

Ito ay matapos na muling makapagtala ng panibagong biktima ng diumano'y pagkakalason ng red tide mula sa isang pamilyang residente ng Brgy. Nato, Gubat, Sorsogon.

Ang nasabing mga biktima ay kinilalang sina Joel at Gina Camara, ama at ina ng mga biktima at mga anak nito na sina Randy, Jona at Jenny.

Ayon sa ama ng mga biktima, bigla na lang silang nakaramdam ng pagtatae matapos silang kumain ng tahong kahapon dahilan upang isugod sila sa ospital.

Ang naturang mga tahong ay mula sa Pier Site ng syudad ng Sorsogon na iniregalo diumano ng kanilang ninang sa kasal.

Sa ngayon ay patuloy na inoobserbahan at binibigyan ng kaukulang medikasyon ang nasabing mga biktima sa Dr. Fernando B. Duran Sr. Memorial Hospital, ang Provincial Hospital ng lalawigan.

Samantala, ayon naman kay Fishery Division Chief Serafin Lacdang ng tanggapan ng Provincial Agriculture, nagpadala na siya ng mga taong mag-iimbestiga sa nangyari sa mga biktima upang alamin kung paralytic shellfish poisoning nga ang nangyari sa kanila at inaalam na rin nila ngayon kung sino ang nagregalo sa mag-anak ng nasabing lamang-dagat.

Nilinaw din ni Lacdang na mayroong dalawang uri ang shellfish poisoning dito sa Pilipinas, ito ay ang paralytic shellfish posoning at diarrhetic shellfish poisoning.

Dito, aniya, sa Sorsogon Bay, ang nakalalasong organismong dala ng red tide ay Pyrodinium Bahamense kung saan nagdudulot ito ng paralytic shellfish poisoning sa sinumang makakakain nito.

Ayon sa kanya, kung pagtatae lamang ang sintomas na naranasan ng buong mag-anak, hindi ito maaaring ikonsiderang paralytic shellfish poisoning. Aniya, sa paralytic shellfish poisoning ay hindi lamang pagtatae ang mararanasan ng mga nabibiktima kundi partikular na ang pagkahilo, pamamahnhid at panghihina ng katawan.

Mula 2006 hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ring nakataas ang shellfish ban sa buong lalawigan. Ayon kay Lacdang, regular ang pagpapalabas nila ng shellfish bulletin at malinaw ang ibinibigay nilang impormasyon sa mga mamamayan dito partikular ang pagbabawal sa pagkain ng anumang lamang-dagat na maaaring kontaminado ng red tide kung kaya't wala na silang magagawa kung nagkakaroon man ng panibagong mga biktima dahil sa katigasan ng kanilang mga ulo. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PGMA groundbreaks $100-M aircraft maintenance facility for Asian region at Clark
»PGMA optimistic about future of Filipinos
»PGMA to remain steadfast in fight against insurgency
»PGMA inaugurates Teletech's newest customer care center
»ASEAN inks 3 air transport agreements
»DSWD, local gov't execs to present to PGMA MOA on cash assistance to the poor
»PGMA inaugurates Subic fuel blending plant
»Reyes to hold dialogue with LPG stakeholders
»ASEAN Secretariat, Hubei province celebrate cooperation agreement
»We cannot just arrest suspected criminals, says Cotabato PNP
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines