Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 24 November 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << November 2017 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/07

Tagalog News: Food Caravan sumusulong sa pag-unlad ng produktong agrikultura

Koronadal City (7 November) -- Binigyang diin ni Regional Governor Zaldy Ampatuan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang kahalagahan ng pagsasagawa ng Food Caravan upang magtulungan ang mga mamamayan at pamahalaan para sa ikauunlad ng mga produktong agrikultura.

Pinasalamatan naman ng nabanggit na gobernador ang pamahalaang nasyonal dahil sa pagsisikap nitong mapalago ang sektor ng agrikultura partikular na ang tulong na ibinibigay nito sa rehiyon ng ARMM lalo na't ito'y apektado ng kaguluhan sa pagitan ng pamahalaan at ilang rebeldeng grupo pati na rin ng natural na kalamidad.

Ayon kay Ampatuan, ang pagpapatupad ng Food Caravan sa ARMM ay nagpapatunay lamang ng kagustuhan ng pamahalaang nasyonal na maging bahagi ang rehiyon sa implementasyon ng mga pangunahing proyekto ng pamahalaan tulad ng FIELDS program ng Kagawaran ng Agrikultura (DA) sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon nito.

Tiwala si Ampatuan na sa pamamagitan ng pagpapalawak ng agricultural production at productivity ng ARMM, malaking tulong ito upang mapaunlad ang pamumuhay ng mga mamamayan at mabawasan ang suliranin sa kahirapan sa rehiyon. (Lgtomas/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PGMA groundbreaks $100-M aircraft maintenance facility for Asian region at Clark
»PGMA optimistic about future of Filipinos
»PGMA to remain steadfast in fight against insurgency
»PGMA inaugurates Teletech's newest customer care center
»ASEAN inks 3 air transport agreements
»DSWD, local gov't execs to present to PGMA MOA on cash assistance to the poor
»PGMA inaugurates Subic fuel blending plant
»Reyes to hold dialogue with LPG stakeholders
»ASEAN Secretariat, Hubei province celebrate cooperation agreement
»We cannot just arrest suspected criminals, says Cotabato PNP
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines