Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 24 November 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << November 2017 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/07

Tagalog News: Pananakot at pagbabanta ng rebeldeng grupo kumakalat sa text message

Koronadal City (7 November) -- Iminungkahi ni Col. Benito de Leon, Commander ng Fourth Infantry Brigade, First Infantry Division (104th Bde), Philippine Army sa mga mamamayan na kung sakaling makatanggap man ang mga ito ng text message na nagbabanta na magkakaroon ng pag-atake sa kanilang lugar, huwag mag-panic at ipagbigay alam kaagad ito sa militar o kapulisan.

May mga text message umanong kumakalat na ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) at New People's Army (NPA) ay magsasagawa ng malalaking pag-atake sa iba't-ibang lugar lalong-lalo na ngayong holiday season dahil ito umano ang panahon kung saan ang mga militar ay hindi naka-full alert.

Ayon kay de Leon, ang pananakot at pagbabanta umano sa pamamagitan ng text message ay maaaring pakana lamang ng ilang rebeldeng grupo upang makuha ang kanilang kagustuhan tulad na lamang sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) para sa paglagda ng pamahalaan sa Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) na idineklarang illegal at unconstitutional ng Korte Suprema.

Kung sakali umanong makatanggap ng mga text message na nagbabanta sa kaligtasan ng publiko, agad na makipag-ugnayan sa himpilan ng pulisya at sa militar o di kaya ay magtext sa numerong 09196525939 o sa 09298283878 at 09276586920. (Lgtomas/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PGMA groundbreaks $100-M aircraft maintenance facility for Asian region at Clark
»PGMA optimistic about future of Filipinos
»PGMA to remain steadfast in fight against insurgency
»PGMA inaugurates Teletech's newest customer care center
»ASEAN inks 3 air transport agreements
»DSWD, local gov't execs to present to PGMA MOA on cash assistance to the poor
»PGMA inaugurates Subic fuel blending plant
»Reyes to hold dialogue with LPG stakeholders
»ASEAN Secretariat, Hubei province celebrate cooperation agreement
»We cannot just arrest suspected criminals, says Cotabato PNP
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines