Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 24 November 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << November 2017 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/07

Tagalog News: Sacdalan naglaan ng P5 milyong pondo para sa Tree of Peace Development Program

Koronadal City (7 November) -- Sa paniniwalang ang pagtataguyod sa Oil Palm bilang "Tree of Peace" ay makakatulong upang maiangat ang pamumuhay ng mga mamamayan ng North Cotabato, limang milyong piso (P5M) ang inilaang pondo ni North Cotabato Governor Jesus Sacdalan para sa pagpapatupad ng Cotabato Oil Palm Development Program.

Ayon kay Sacdalan ang pagpapataas ng oil palm production ay malaking tulong umano sa mga residente na madagdagan ang kanilang kita at kahit papaano ay maibsan ang kahirapan na dinaranas ng mga ito. Sa pamamagitan ng nasabing proyekto, 304 ektaryang lupain mula sa target na apat na libong (4,000) oil palm plantations ang pauunlarin pa upang maitatayo ang palm oil mill sa lalawigan.

Ang programa ay ipapatupad sa pamamagitan ng Plant Now Pay Later (PNPL) scheme para sa pamamahagi ng oil palm seedlings sa lahat ng mga magsasaka ng lalawigan. Ang mga magsasaka na sumasaka ng limang ektarya ay maaaring makakuha ng kabuuang 680 seedlings.

Inaasahan na bago magtapos ang taong kasalukuyan ay tataas sa 301 ektaryang sakahan ang matataniman ng oil palm sa ilalim ng PNPL scheme ng sa ganun ay aabot sa kabuuang 1,400 ektrayang sakahan na ang matataniman ng oil palm.

Pagkatapos ng tatlong (3) taon, ang mga magsasaka at inaasahang kikita ng minimum net income na P20.00 bawat ektarya kung sakaling ang presyo ay mananatili pa rin sa anim na piso bawat kilo. (Abbenal/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PGMA groundbreaks $100-M aircraft maintenance facility for Asian region at Clark
»PGMA optimistic about future of Filipinos
»PGMA to remain steadfast in fight against insurgency
»PGMA inaugurates Teletech's newest customer care center
»ASEAN inks 3 air transport agreements
»DSWD, local gov't execs to present to PGMA MOA on cash assistance to the poor
»PGMA inaugurates Subic fuel blending plant
»Reyes to hold dialogue with LPG stakeholders
»ASEAN Secretariat, Hubei province celebrate cooperation agreement
»We cannot just arrest suspected criminals, says Cotabato PNP
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines