Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 21 November 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << November 2017 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/10

Tagalog News: "Ugnayang Swak sa Baranggay", isinusulong sa Bulacan

Lungsod Ng Malolos (10 November) -- Kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng Komunikasyon ngayong Nobyembre, isinulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang proyektong USB o ang "Ugnayang Swak sa Baranggay".

Ito'y bilang tugon upang mapalakas ang kakayahan ng mga barangay sa lalawigan ng Bulacan at makapagbuo ng isang barangay communication framework.

Sa pangunguna ni Gobernador Jonjon Mendoza, isusulong ang pagbuo at pagsasanay sa Barangay InfoTroop, pagtatayo ng Pahayagan sa Barangay, pagpapalakas ng Barangay Online, pagbalangkas at pamamahagi ng USB manual at pag-kakabit ng barangay jingle sa mga mobile patrol ng barangay.

Nakatakdang isakatuparan ang mga nabanggit sa 10 panimulang baranggay sa Bulacan kabilang ang Pamarawan, Lungsod ng Malolos; Niugan, Angat; Tuktukan, Guiguinto; Poblacion, Baliuag; Pulong Buhangin, Sta. Maria; Sta. Rosa II, Marilao; Sto Nino, Pandi; Catanghalan, Obando; Poblacion, San Rafael at San Nicolas, Hagonoy.

Ipinahayag ni Mendoza na malapit sa kanya ang programang ito dahil nais niyang tunay na maiangat ang kakayahan ng mga nasa barangay upang maging mahalagang tagapagsulong ng mga reporma sa pamahalaan at kaunlaran sa mga Bulakenyo.

Sa pamamagitan ng mga gawain, sinabi ni Gng. Ma. Cecilia Yacob, tagapangulo ng Data and Information Cluster ng Kapitolyo, inaasahang madadagdagan ang kaalaman at malilinang ang kakayahan ng mga nasa barangay sa pakikipag-ugnayan sa mga nasasakupan lalo't higit sa aspeto ng panghihikayat ng partisipasyon, pagharap sa mga negatibong reaksyon o oposisyon at ang pagkakaloob ng "accurate" at napapanahong impormasyon; gayundin, makapagtayo, maipakilala at/o mapalakas ang mga istruktura at mga mekanismo na magiging katuwang ng mga opisyal ng barangay sa higit na mabisang pakikipag-ugnayan.

Punong abala sa pagsusulong ng mga gawain ang mga tanggapan ng Provincial Public Affairs Office,Provincial Planning and Development Office, Provincial Information Technology Office, Tanggapan ng Pangulo ng Liga ng mga Barangay sa Bulacan, Tanggapang ng Pangulo ng Sangguniang Kabataan Provincial Federation, Provincial Administrator's Office,Provincial Engineer's Office at Department of Interior and Local Government. (PPAO/PIA Bulacan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Thai Premier visits RP; meeting with PGMA set in Malacanang
»Mindanao peace talks will resume, Malacanang assures stakeholders
»Palace to respect ERC decision on power rates
»PGMA to inspect newly-restored irrigation facilities in Pangasinan
»PGMA visits Masbate to comfort survivors, condole with victims of ferry tragedy
»Korean Overseas Volunteer Program to donate PCs and train Samar teachers, students, OSYs
»PNP 12 identifies MILF recruitment among reasons for high dropout rate among students
»Feature: DDR as peace building strategy
»Historian cites labeling problem in conflict situation in Mindanao
»Cotabato boosts coconut industry development
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines