Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 22 September 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2017 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/12

Tagalog News: Malunggay miki at squash noodles patok na patok sa Ilocos Sur

Ni Ben P. Pacris

Vigan City (12 November) -- Dahil sa "One Town, One Product" (OTOP) program ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo patok na patok sa Ilocos Sur, itinuturing na Agricultural at First Class province, ang mga produktong Squash Noodles at Malunggay Miki.

Ayon kay Provincial Agriculturist Teofilo Quintal, ang Squash Noodles na gawa sa kalabasa ay sariling OTOP ng bayan ng Santo Domingoat ang Malunggay Miki ay mula sa bayan ng Cabugao "na popular na ngayon binibili ng mga mamayan ditto pati sa ibang probinsiya."

Sinabi pa ni Quintal na ang noodles na may halong kalabasa ay sariling produkto ng mga kasapi ng Rural Improvement Corp. na pinamumunuan ni Gng. Francisca Acosta.

"Nakakatulong sa mga ina ng tahanan na miyembro ng RIC ang proyektong ito," aniya.

Sinusuportahan din ni Mayor Floro Tadena ng Santo Domingo ang OTOP na ito dahil bukod sa masustansiya na ang pagkain na ito, nakakatulong pa sa mga kanyang kababayan na walang trabaho.

Sa Cabugao, ginagayak ni Mayor Dio-C Suero ang kanyang mga kababayan na magtanim na malunggay sa kanilang bakuran dahil magagamit ito sa paggawa ng Malunggay Miki na dumarami na ang bumibili.

Ayon naman kay Gobernador Deogracias Victor Savellano na ang OTOP ang isang priyoridad niya upang magsilbing livelihood projects ng mga mamamayan na walang trabaho at makakatulong pa sa ekonomiya ng lalawigan.

Sa bayan naman ng San Ildefonso, tagumpay din ang proyektong Malunggay Ice Cream na sariling gawa ng mga residente ng Barangay Bungro na ipinagbibili sa iba't-ibang bayan.

"Dahil sa OTOP na programa ng pamahalaan, mai-promote ang mga sariling produkto at pang-alalay sa hirap ng buhay," sabi ng DA official. (PIA-Ilocos Sur) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Mindanao Investment Forum to focus on seven agri products
»Barangay health centers now capable of conducting diabetic screening
»USEP hosts webcast for young entrepreneurship
»Global downturn only affects few BPO segments, says expert
»NEDA XI welcomes new regional director
»1,144 examinees expected to take Career Service Exams in Catarman
»DTI Leyte reiterates warning vs cheap substandard Christmas lights
»CICT to represent RP in ITU
»PGMA to underscore importance of interfaith dialogue and cooperation in quest for peace in NY
»PGMA arrives in San Francisco on her way to Chicago to meet Filipino community
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines