Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 20 September 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2017 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/13

Tagalog News: Municipio sa Ilocos Sur, handa na sa National Competition ng Most Child-Friendly Municipality

Ni Carlo P. Canares

Bantay, Ilocos Sur (13 November) -- Nagusap-usap kamakailan ang mga opisyal ng barangays, student leaders at miyembro ng Municipal Council for the Protection of Children ng bayan na ito upang paghandaan ang pagdating ng evaluation teams mula Maynila para sa National Validation of the Presidential Award for the Most Child-Friendly Municipality under the 4th-6th class municipality.

Ang National Validation ay gaganapin sa Nobyembre 22 hanggang 23 ng taong kasalukuyan.

Masayang ibinalita ng Pangulo ng Liga ng mga Barangay ng Bantay na si Ginoong Francisco Carmelo at ng Municipal Local Government Officer na si Ginoong Alvin Navarro na kasali ang municipio ng Bantay sa maikling listahan na kalahok sa Presidential Award for Most Child-Friendly.

Ang municipio ng Bantay ay nagwagi na bilang Most Child-Friendly Municipality ng Region 1 under the 4th-6th class municipality.

Nanawagan sila Ginoong Carmelo at Ginoong Navarro sa mga opisyal ng barangay at mga pampublikong eskwelahan ng Bantay na maghanda at ayusin ang mga kinakailangan na papeles, lalo na yaong mga may kakulangan pa sa kanilang mga barangay. Ayon pa kay Ginoong Navarro, ang Barangay Taleb ang gagawing Model Barangay para sa isasagawang evaluation. Subalit magkakaroon pa din ng bunutan ng apat pa na barangay na maisasama sa evaluation.

Ayon pa sa mga opisyal, higit sa karangalan na maibibigay sa municipio ng Bantay ang natatanging Presidential Award ay ang kailangan na patuloy na pagsusulong ng kalinga at proteksyon sa mga bata at kabataan. (PIA-Ilocos Sur) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Legarda calls on colleagues for swift action vs climate change and natural disasters
»DepEd readies refined curriculum
»No OFW displacement yet: POEA XI
»OWWA-XI teaches values to OFW families
»Davao Bizmen see bright BPO prospects amidst Obama's succession
»Planters Bank to open 72nd branch in Tagum City
»People's cooperation vital to drug abuse control - RDR
»Rubber program eyed to generate 75-T jobs
»Hundreds of Fil-Ams brave Chicago's chilly weather to meet GMA
»Esperon still enjoys trust and confidence of PGMA - Ermita
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines