Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 24 November 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << November 2017 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/14

Tagalog News: Industriya ng pagniniyog, pasisiglahin ng pamahalaang panlalawigan

Calapan City (14 November) -- Pasisiglahin ng pamahalaang panlalawigan ang industriya ng pagniniyog sa Oriental Mindoro.

Ito ang binigyang-diin ni Gobernador Arnan C. Panaligan sa Training Course on Participatory Approaches of the Poverty Reduction Project in Coconut-Growing Communities in Oriental Mindoro na isinagawa noong Oktubre 28-30 sa Agricultural Training Institute sa Barcenaga, Naujan.

"Bagamat kilala ang Oriental Mindoro bilang rice granary o major palay producer ng bansa, malaking bahagi ng mga lupain dito ay nailalaan sa niyugan. Sa ating pagtutulungan, inaasahan kong mapasisigla natin at malilikha nating isang malaking industriya ang pagniniyog at magiging malaking bahagi sa pangunahing layunin nating resolbahin ang suliranin ng kahirapan. Atin ring pasisiglahin ang coconut industry upang sa mga susunod na taon ay kayanin ng lalawigan na maging pangunahing pinagkukunan ng niyog sa bansa," ayon kay Gobernador Arnan.

Ayon pa sa kanya, sa kasalukuyan ay malaki ang pangangailangan sa niyog dahil sa pag-unlad ng industriya ng virgin coconut oil, food industry, construction at iba pa.

Idinagdag pa ng Gobernador, na titiyakin niyang mapasisigla ang industriya ng pagniniyog sa pagtataguyod ngayon ng pamahalaang panlalawigan sa Oriental Mindoro Coconut Industry Rehabilitation/Development Program kung saan nakapaloob ang pagtatatag ng high-yielding coconut seed farms at embryo-culture macapuno production farms, pagtatanim ng niyog sa coastal barangays, poverty alleviation in coconut communities, sloping agricultural land technologies, intercropping with malunggay and other crops, at livestock raising in coconut farms.

Aniya pa, ang programa ay isang "magandang" programa. "Ang lahat ng programang ang pangunahing layunin ay solusyunan ang kahirapan ng mga mamamayan ay isang magandang programa. Inaasahan kong magiging matagumpay ito sapagkat kasama natin dito ang mga magsasaka mula sa pagbuo ng plano, sa paglalatag ng mga mekanismo, sa paraan ng epektibong implementasyon, ksama natin ang mga magsasaka dito," paliwanag pa ng gobernador.

Ang tatlong araw na gawain ay itinaguyod ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pakikipagtulungan sa Philippine Coconut Authority, at Department of Agriculture.

Lumahok sa training/workshop ang municipal agriculturists, PCA agriculturists, mga kinatawan ng coconut farmers organizations at iba pang mga konsernadong indibidwal.

Naging pangunahing tagapagsalita sa gawain sina Jaime G. Nuevas, Jr., provincial coconut coordinating committee chairman na tumalakay sa coconut project management and coordination, Dr. Rey Comia ng University of the Philippines-Los Baņos na tumalakay sa sloping agricultural land technology, at Erlene Manohar ng PCA-regional office na tumalakay naman sa Philippine Coconut Authority-COGENT project.

Dumalo rin dito sina PCA Provincial Manager Benjamin Combalicer, Provincial Agriculturist Rodolfo V. Valdez, Assistant Provincial Agriculturist Petronilo Dimailig, at ilang mga kawani ng pamahalaang panlalawigan. (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Duterte wants moratorium on NHMFC foreclosures
»CDA to dissolve 144 coops in Davao City
»DOLE XI all set for contingency plan
»10-ID continues search for missing officer
»2nd Human Resource National Convention slated in Davao
»Noted author and speaker talks on "Leading Through Difficult Times"
»National convention for master plumbers convenes Nov. 14-15 in Davao
»Needy find great help from caravan of services
»Davao Norte joins 1st Mindanao Children's Games
»PGMA rallies world leaders on interfaith dialogue for peace
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines