Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 20 November 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << November 2017 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/14

Tagalog News: Personal na pagbisita ni Gobernador Arnan sa mga barangay, nagpapatuloy

Calapan City (14 November) -- Ang mga barangay ang pinakapundasyon ng sistema ng pamahalaan kung kaya't mahalaga na patatagin ang mga ito sapagkat napakalaki ng kanilang kontribusyon sa kabuuang pag-unlad ng ating lalawigan.

Noong Oktubre 28, panauhing pandangal si Gobernador Arnan sa barangay assembly ng Brgy. Pagkakaisa sa bayan ng Naujan.

Ayon sa gobernador, magandang gawain ng pamahalaan ang mga barangay assembly sapagkat ito ang pagkakataon ng mga lokal na opisyales upang makapag-ulat at ipaalam sa mga mamamayan ang mga pagpupunyaging ginagawa ng pamahalaan. Sa bahagi ng mga mamamayan, maaari silang magtanong at magbigay ng suhestyon upang maging maayos ang mga ugnayang pampamayanan.

Ang pagdalo niya sa araw na ito ay pagpapakita ng pagmamalasakit niya sa ating mga taga-barangay, ang malugod na pahayag ni Brgy. Capt. Alfredo Arellano, Sr. Taos-pusong pasasalamat din ang kanyang paabot sa gobernador sa P1M concreting project na may habang 270 lineal meters na naipatapos ng Pamahalaang Panlalawigan sa kanilang barangay.

Ibinahagi ng gobernador na nakadalo rin siya sa barangay assembly noong Pebrero sa lugar at isa ang proyektong ito sa mga hiniling ng barangay na ipinangako niyang ipagkakaloob sa taong ito.

Naging panuntunan na ng gobernador ang maglaan ng panahon upang makibahagi sa mga ganitong gawain sapagkat mahalaga sa kanya ang personal na makita ang kalalagayan ng kanyang mga pinaglilingkuran at ang kagyat na makatugon sa pangunahing pangangailangan ng mga ito.

Nagpakita ng suporta sa pagpupulong si Mayor Romar Marcos. Aniya'y ang Pamahalaang Bayan ay laging bukas upang maglingkod sa lahat ng mamamayan ng bayan ng Naujan. (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Duterte wants moratorium on NHMFC foreclosures
»CDA to dissolve 144 coops in Davao City
»DOLE XI all set for contingency plan
»10-ID continues search for missing officer
»2nd Human Resource National Convention slated in Davao
»Noted author and speaker talks on "Leading Through Difficult Times"
»National convention for master plumbers convenes Nov. 14-15 in Davao
»Needy find great help from caravan of services
»Davao Norte joins 1st Mindanao Children's Games
»PGMA rallies world leaders on interfaith dialogue for peace
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines