Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 22 September 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2017 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/14

Tagalog News: 150% terminal fee increase, muling iginigiit ng PPA

Calapan City (14 November) -- Muling tinutulan ng Sangguniang Panlalawigan ang paggigiiit ng Philippine Ports Authority (PPA)-Batangas na itaas sa P25 ang P10 passenger terminal fee.

Noong Oktubre 28, nagsagawa ng Joint Committee Hearing ang Sangguniang Panlalawigan Committees on Transportation and Communications at Laws, Ordinances and Legal Matters, sa pangunguna ni Bokal Abraham Abas, kaugnay sa kahilingan ng PPA-Batangas na mamagitan ang SP sa panukalang pagtataas ng terminal fee sa Batangas Port Passenger Terminal mula P10.00 para gawin itong P25.00.

Dumalo sa pagpupulong sina Bokal Romeo Buenaventura, PCL President Bokal Robert Concepcion at Provincial Legal Officer Tanyag. Naroon din sina Atty. Dante Manzo, Bishop Warlito Cajandig, G. Dennis Alcancia at kinatawan ng sangguniang bayan ng iba't ibang bayan at ng mga konsernadong organisasyon sa lalawigan.

Dumalo rin dito sina PPA Batangas Port Manager Alex T. Cruz, PPA Calapan Port Manager Felix M. Barcala, ATI Terminal Manager Jo Cudal.

Ayon kay Atty. Tanyag, inaasahan sa pagpupulong na iyon na magkaroon ng paliwanagan at pagkakasundo ang dalawang partido hinggil sa hinihiling na 150% increase sa terminal fee.

Sa pagpupulong, ipinaliwanag ni PPA Batangas Manager Curz na ang pangunahing dahilan ng hinihiling nilang pagtataas ay ang malaking operating expenses nito na nagresulta diumano ng pagkalugi nila mula pa ng taong 2001 hanggang sa kasalukuyan.

Sa mga iprinisenta namang datos hinggil sa kabuuang bilang ng mga pasaherong bumabayad ng terminal fee mula 2001 na ang pinakamataas ay mahigit lamang sa 2M pasahero kada-taon, kwinestyon ni ACSOM Representative Engr. Dennis Alcancia ang integridad ng naturang bilang sapagkat noon lamang taong 2006, nakapagtala sila, aniya, sa Puerto Galera ng mahigit 4M turista na dumayo rito. Sinabi rin niyang bagama't hindi na dumadaan pa sa terminal ang iba rito na nakasakay sa mga bus, awtomatikong kasama naman sa binabayaran ng mga ito ang P10 terminal fee.

Ipinanukala ni Bishop Warlito Cajandig na magkomisyon ng independyenteng grupo na makapagsasagawa ng tamang ebalwasyon na mapagbabatayan ng pagtaas ng presyo ng terminal fee.

Sinabi naman ni Atty. Manzo na ang pagpapatigil ng pagpapagamit ng mga pasilidad partikular ang air conditioning unit ay maliwanag na paglabag sa compromise agreement na nilagdaan para sa paniningil ng terminal fee.

Dahil wala pang pormal na pagtugon ang NEDA sa isinumiteng panukala ng PPA hinggil sa nasabing pagtataas, sinabi ni Atty. Tanyag na hindi pa panahon para magpulong at magkasundo ang dalawang partido hinggil sa naturang panukala.

Kaugnay nito, sa pinakahuling pagdinig ng Regional Trial Court Branch 40 sa dalawang partido noong Nobyembre 4, 2008, kaugnay ng isinampang kaso ng Pamahalaang Panlalawigan sa PPA noong Nobyembre 27, 2007 hinggil sa pagtaas ng terminal fee, pinagsusumite ng naturang korte ang PPA ng memorandum kasama ang mga kinakailangang dokumento na nagbibigay katwiran sa ipinapanukalang pagtataas ng may 150% sa passenger terminal fee sa loob ng 30 araw..Kapag ito'y naisumite, hinihingan naman sa loob din ng 30 araw ang Pamahalaang Panlalawigan na magbigay ng komento hinggil dito at magsumite ng position paper at saka pa lamang makapagbibigay ng desisyon ang korte hinggil sa dapat na sunding taas ng halaga ng terminal fee. (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Duterte wants moratorium on NHMFC foreclosures
»CDA to dissolve 144 coops in Davao City
»DOLE XI all set for contingency plan
»10-ID continues search for missing officer
»2nd Human Resource National Convention slated in Davao
»Noted author and speaker talks on "Leading Through Difficult Times"
»National convention for master plumbers convenes Nov. 14-15 in Davao
»Needy find great help from caravan of services
»Davao Norte joins 1st Mindanao Children's Games
»PGMA rallies world leaders on interfaith dialogue for peace
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines