Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 21 September 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2017 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/18

Tagalog News: UP Marine Science Institute AT World Bank representatives bumisita sa lalawigan ng Sorsogon

by BA Recebido

Sorsogon Province (18 November) -- Naging mabunga ang dalawang araw na pagbisita dito sa lalawigan ng Sorsogon ng mga kinatawan ng University of the Philippines Marine Science Institute at ng World Bank na sinimulan noong nakaraang Martes at natapos kahapon.

Ang pagbisita ng mga kinatawang kinabibilangan nina Dr. Ando Siringan, Dr. Cesar Villanoy, Dr. Laura David, Mike Atrigenio at Melen Dizon ay kaugnay ng inisyal na pakikipagdayalogo at paglulunsad ng kanilang proyektong Climate Change and Coastal Areas Community Based Adoptation Approach.

Ang nasabing proyekto ay inilulunsad ng Marine Environment and Resources Foundation, Inc. na pinondohan ng aabot sa P80,000 ng World Bank.

Layunin nitong matulungan ang mga lokal na komunidad na makabuo ng programa at makapagpatupad ng cost-effective climate change adoptation measures.

Ayon sa Marine Environment and Resources Foundation, Inc. project leader Laura David, tatlong munisipyo sa lalawigan ng Sorsogon ang kanilang pinag-aaralan upang maging pilot areas ng nasabing programa. Ito ay ang mga bayan ng Prieto Diaz, Gubat at Matnog kung saan nagpahayag ang lokal na pamahalaan nito ng kagustuhang ipatupad sa kanilang lugar ang nasabing proyekto.

Kabilang sa mga nagsidalo sa orientation at consultative meeting ay sina Prieto Diaz Mayor Benito Doma, Gubat Mayor Deogracias Ramos at Matnog Mayor Guillermo So. Mahalaga rin ang naging partisipasyon ng Sanggunian Panlalawigan Committee Chair on Environment at Committee Chair on Infrastructure, Provincial Planning and Development Officer, Local Government Unit - Provincial Environment and Natural Resources Officer, Department of Agriculture - Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Officer, Department of Interior and Local Government head, Provincial Disaster Coordinating Council Officer, Provincial Engineer at Provincial Human Resource and Management Officer.

Matapos ang courtesy call sa tanggapan ng gobernador ng probinsya, consultative meeting at oryentasyong isinagawa ng mga kinatawan sa mga nagsidalo, kaagad nilang isinagawa ang dalawang araw na site visit sa nasabing mga bayan sa tulong ng mga lokal na pamahalaan nito, upang tuluyan nang maisapinal ang pagtukoy sa gagawin nilang pilot sites.

Bago tuluyang bumalik sa Maynila ang mga kinatawan ng UP Marine Science Institute at World Bank ay isinapinal na nila ang kaukulang mga rekomendasyon at binuo na rin ang detalyadong action plan para sa mga susunod nilang hakbang na gagawin. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Region 6 broadcasters in seminar saddened by death of facilitator
»GMA signs EO launching job generation visa
»PGMA to keynote municipal mayors at Manila
»PGMA to award P2.19-M in cash to top farmers, fishers and agri groups
»PGMA renews call for national unity
»PGMA cites tourism as catalyst for economic development
»ASEAN Charter enters into force next month
»DOLE to deliver basic services to Capiceņos
»DOLE service caravan hires 20 Samar job hopefuls
»Cebuano News: PGMA milagda ug kamandoan alang sa paghatag ug trabaho
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines