Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 22 September 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2017 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/18

Tagalog News: Emergency meeting na magtatalakay sa mga isyung kaugnay ng paralytic shellfish poisoning sanhi ng red tide ipinatawag

by BA Recebido

Sorsogon Province (18 November) -- Isang emergency meeting ang kasalukuyang nagaganap sa training hall sa kapitolyo na ipinatawag ni Governor Sally A. Lee upang pag-usapan ang kasalukuyang sitwasyon ng Sorsogon Bay kung saan naitala ang pagtaas pa ng bilang ng red tide organisms sa nasabing look.

Naroroon sa pagpupulong ang regional director ng BFAR at iba pang mga opisyal ng ahensya ng pamahalaan. Ipinatawag din ng gobernador ang mga opisyal ng Provincial Agriculture Fishery Division, PNP Provincial Director kasama na ang mga chief of police, mga alkalde at kapitan ng mga barangay sa Juban, Casiguran, Castilla, Sorsogon City, Magallanes at Pilar na pumapalibot sa Sorsogon Bay at maging ang bayan ng Matnog kung saan naroroon naman ang Juag Lagoon na positibo rin sa red tide contamination.

Layunin ng nasabing emergency meeting na muling pag-usapan ang kasalukuyang sitwasyon ng shellfish ban sa buong lalawigan ng Sorsogon partikular na may mga naiulat na naospital at namatay sanhi ng paralytic shellfish poisoning nito lamang nakaraang linggo sa mga lugar ng Lucena sa Quezon province at maging sa mga bayan ng Ligao at Polangui diyan sa lalawigan ng Albay, kung saan ang Sorsogon ang itinuturong pinagmulan ng mga tahong na kinain ng mga nabiktima.

Kabilang din sa agenda ang assessment ukol sa isinasagawang pagpapatupad ng shellfish ban, nilalaman ng pinakahuling shellfish bulletin na ipinalabas ng BFAR at mga pamamaraang tutugon sa isyu ng paralytic shellfish poisoning na hindi lamang nakapagtala ng mga nabiktima dito sa lalawigan kundi sa kasalukuyan ay maging sa labas na rin ng Sorsogon.

Ang nasabing pulong ay maaaring magtagal hanggang mamayang hapon depende sa mapag-uusapan at sa mga lalabas na isyu.

Sa ngayon, positibo pa rin sa kontaminasyon ng red tide ang Sorsogon Bay at ang Juag Lagoon sa Matnog at nananatili pa ring nakataas ang shellfish ban sa buong lalawigan ng Sorsogon. Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagkuha, pagbibiyahe, pagbebenta at pagkain ng mga lamang-dagat mula sa nasabing mga apektadong lugar lalong-lalo na ang tahong partikular na higit pang tumaas ang red tide toxin dito. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Region 6 broadcasters in seminar saddened by death of facilitator
»GMA signs EO launching job generation visa
»PGMA to keynote municipal mayors at Manila
»PGMA to award P2.19-M in cash to top farmers, fishers and agri groups
»PGMA renews call for national unity
»PGMA cites tourism as catalyst for economic development
»ASEAN Charter enters into force next month
»DOLE to deliver basic services to Capiceņos
»DOLE service caravan hires 20 Samar job hopefuls
»Cebuano News: PGMA milagda ug kamandoan alang sa paghatag ug trabaho
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines