Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 22 September 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2017 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/18

Tagalog News: Mga pamamaraang tutugon sa isyu ng paralytic shellfish poisoning at pagpapatupad ng shellfish ban tinalakay

by BA Recebido

Sorsogon Province (18 November) -- Mainit ang naging talakayan sa emergency meeting na ipinatawag ni Sorsogon Governor Sally Lee kahapon kaugnay ng kasalukuyang isyu ng red tide paralytic shellfish poisoning kung saan may ilang namatay at naospital hindi lamang dito sa lalawigan ng Sorsogon kundi maging sa mga probinsya ng Quezon at Albay nito lamang buwan ng Nobyembre.

Sa nasabing meeting, pinag-usapan ang ilang pamamaraang tutugon sa isyu ng paralytic shellfish poisoning at mahigpit na pagpapatupad ng shellfish ban.

Kabilang sa mga nabigyang-pansin ay ang partisipasyon ng mga awtoridad sa barangay sa pagpapatupad ng nasabing ban, masterlisting ng mga may-ari ng tahongan sa palibot ng Sorsogon Bay, continuous surveillance at monitoring at massive information drive.

Pinag-usapan din ang paglalagay ng malalaking signages sa mga istratehikong lugar na magsisilbing babala at paalala sa mga mamamayan ukol sa red tide.

Pinag-aaralan na rin ngayon ang rekomendasyong magbabawal sa tahong farming sa buong lalawigan ng Sorsogon.

Ayon kay City Councilor Roberto Dollison, malaki ang papel na ginagampanan ng mga awtoridad sa barangay sa pagsugpo sa ilegal na gawaing ito. Hindi, aniya, kailangang maging emosyonal ang sinumang opisyal ng barangay sa pagsasabing nakakaawa ang sitwasyon ng pamumuhay ng mga magtatahong, sapagkat, bilang opisyal, tungkulin nitong isaalang-alang ang kapakanan ng mas nakararami lalo na't kung buhay na ang nakataya.

Samantala, inamin naman ni Fishery Division Chief Serafin Lacdang ng tanggapan ng Provincial Agriculture, na hindi ito kakayaning gampanan ng mga awtoridad lamang, subalit higit na kailangan ang suporta dito ng mga lokal na residente partikular sa mga barangay kung saan nagmumula ang mga tahong, nang sa gayon ay mahuli at mabigyan ng kaukulang parusa ang mga lumalabag sa shellfish ban.

Kung makikipagtulungan, aniya, ang mga mamamayan sa pamamagitan ng hindi pagkain sa mga tahong at pagsusumbong sa mga kinauukulan ng ilegal na gawaing ito, hindi makakapamayagpag ang mga negosyante ng tahong maging yaong mga nagbabanta sa buhay ng mga tagapagpatupad ng red tide ordinance.

Hinamon din ni Lacdang ang mga nagpapalabas ng mga isyu na may mga law enforcement members na pumapayag sa pagbibiyahe ng naturang lamang-dagat kapalit ng ilang halaga ng pera, na pangalanan, patunayan at ipagbigay-alam agad itosa kanilang tanggapan sapagkat, aniya, hindi sila mangingiming parusahan ito.

Sa kasalukuyan, dahilan sa paba-bagong klima, higit na tumaas pa ang toxicity level sa look ng Sorsogon kung saan umaabot sa 3,000 mahigit ang toxicity level, sobrang taas kumpara sa 34mcg/100mcg limit kung kaya't talagang mapanganib ang pagkain ng tahong at iba pang uri ng shellfish na galing dito. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Region 6 broadcasters in seminar saddened by death of facilitator
»GMA signs EO launching job generation visa
»PGMA to keynote municipal mayors at Manila
»PGMA to award P2.19-M in cash to top farmers, fishers and agri groups
»PGMA renews call for national unity
»PGMA cites tourism as catalyst for economic development
»ASEAN Charter enters into force next month
»DOLE to deliver basic services to Capiceņos
»DOLE service caravan hires 20 Samar job hopefuls
»Cebuano News: PGMA milagda ug kamandoan alang sa paghatag ug trabaho
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines