Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 23 November 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << November 2017 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/18

Tagalog News: Sektor ng turismo may malaking nai-ambag sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa

Manila (18 November) -- Inihayag ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ang sektor ng turismo ang isa sa mga industriya na may malaking nai-ambag sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa at nakapagbukas ng trabaho at livelihood opportunities para sa mga maralitang Pilipino.

Sa talumpati ng Pangulong Arroyo sa inagurasyon ng Busuanga Airport sa Palawan, binigyang diin nito na unti-unti na umanong napapansin ng mga "big-ticket investors" ang potential ng mga tourist spots ng Pilipinas kung kaya't ang mga ito ay nagsimula ng mamuhunan sa bansa.

Aniya nagsimula na umanong magpatayo ng mga resorts sa Palawan partikular na sa Calamian Group of Islands sa Busuanga ang ilang kilalang hoteliers at restaurateurs ng Station One ng Boracay Island at Banyan Tree mula sa Phuket, Thailand.

Dahil dito dagdag pa ng Pangulo, kasama sa importanteng pamumuhunan na naglilikha ng maraming trabaho ang turismo kung kaya't nararapat lamang umano na pambansang prioridad ang turismo dahil sa epekto nito sa panglipunang kaunlaran.

Sa nakaraang SONA ng pangulo ng nakalipas na 2006 isinama nito ang konstruction at pag-upgrade ng mga kalsada, daungan at mga paliparan na inaasahang magpapa-unlad pa sa industriya ng turismo partikular na sa Central Visayas. (Abbenal/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Region 6 broadcasters in seminar saddened by death of facilitator
»GMA signs EO launching job generation visa
»PGMA to keynote municipal mayors at Manila
»PGMA to award P2.19-M in cash to top farmers, fishers and agri groups
»PGMA renews call for national unity
»PGMA cites tourism as catalyst for economic development
»ASEAN Charter enters into force next month
»DOLE to deliver basic services to Capiceņos
»DOLE service caravan hires 20 Samar job hopefuls
»Cebuano News: PGMA milagda ug kamandoan alang sa paghatag ug trabaho
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines