Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 20 September 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2017 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/25

Tagalog News: Saya at tuwa hatid ng PGOM employees cheerdance competition

Calapan City (25 November) -- Isa sa pinakamasasayang aktibidad sa selebrasyon ng Founding Anniversary at sa kauna-unahang pagkakataon, ang mga kawani ng Kapitolyo na laging subsob sa pagtatrabaho at seryoso sa pagseserbisyo sa mamamayang Mindoreņo ay pansamantalang humataw at nagpakitang-gilas sa PGOM employees cheerdance competition noong Nobyembre 11 sa Kapitolyo.

Itinanghal na pinakamagaling sa walong kalahok, kampeon ang Paztantic Fighting Tamaraws ng Provincial Treasurer's Office at nag-uwi ng P15,000 na cash prize.

Pumangalawa sa kanila ang Provincial Health Office na nagkamit ng P10,000 cash prize.

At 3rd placer ang G.O. Cheering Squad ng Office of the Governor na nakatanggap ng P7,000 cash prize.

Tig-P2,000 consolation prizes na kaloob naman ni Gobernador Arnan ang nakuha ng Accounting Cheer and Dance Squad ng Provincial Accounting Office, Unity Team ng Provincial Agriculturist Office, PEO All Star ng Provincial Engineer's Office, SP Movers ng Sangguniang Panlalawigan/Office of the Vice-Governor at D'Hik Hop Oldies ng Provincial Assessor's Office.

Hindi magkamayaw ang mga empleyado ng Kapitolyo sa sasandaling oras na pansamantalang iniwan ng mga ito ang kani-kanilang mga mesa sa kanilang mga tanggapan. Ilang mga sandaling, inalis muna ang mga isipan sa trabaho at hinayaang ang pangibabawin ay tuwa at saya at mga tawanang halos wala nang hanggan.

Sinuportahan ang kumpetisyon ng mga opisyal ng pamahalaan sa pangunguna ni Gobernador Arnan, Bise-Gobernador Aceron, mga bokal na sina Romeo Infantado, Abraham Abas at Ramil Dimapilis, Provincial Administrator Adel Abas, Exectuive Assistant to the Governor at PIO Chief Romeldo Paras at mga hepe ng iba't ibang tanggapan sa Kapitolyo.

"Bilang inyong punong ehekutibo, natutuwa akong makita ang inyong tinatawag na "other side". Hindi lamang pala kayo mga seryosong manggagawa ng pamahalaan. May mga natatago pala kayong talento.. Subalit ang higit ninyong ipinakita ay ang inyong pagkakaisa bilang mga magkaka-opisina at bilang mga kawani ng pamahalaang panlalawigan," pahayag ng Gobernador.

Naging mga hurado ng PGOM employees cheer dance competition sina G. Jolly Arellano, guro ng DWCC High School Department, Gng. Evelyn Ylagan at Gng. Rodora Barojabo, kapwa mga guro ng Leido Memorial National High School. (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Media tapped to promote Mindanao
»ECC disposes 88% of claims as of 3rd quarter
»Elementary valedictorians vie for Davao Light cash support
»Philippine Auto-LPG Summit set in Davao City, Nov 27
»Iligan holds 1st National Summit of ICT Councils
»Davao Oriental submits Health Investment Plan to DOH
»UP Visayas holds All-Visayas Creative Writing Workshop to mark UP Centennial
»Gov't prepared to pursue peace talks based on authentic consultations
»APEC leaders agree to bolster cooperation to address financial crisis facing region
»PGMA unveils Rizal's bust at the Rizal Park in Lima
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines