Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 23 September 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2017 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/25

Tagalog News: PPA boluntaryong nagkaloob ng dugo

Calapan City (25 November) -- Tunay na napakahalaga sa isang islang katulad ng Oriental Mindoro na magkaroon ng sapat na supply ng dugo para sa mga biglaang pangangailangan ng ating mga kababayan

Ito ang ipinahayag ni Calapan PPA Port Manager Felix Barcala matapos ang isinagawang blood letting activity sa compound ng Philippine Ports Authority noong Nobyembre 11.

Ang sariling karanasan sa kahirapan ng paghanap ng dugo nang malagay sa peligro ang buhay ng kanyang anak ang nagbunsod kay Port Manager Barcala na makipag-ugnayan sa Provincial Blood Council sa pamumuno ni Bise Gobernador Estee upang magsagawa ng blood letting activity.

Ang makabuluhang gawain na matagal na nilang plinano, ayon kay Port Manager Barcala ay kanilang handog sa lalawigan at pakikibahagi na rin sa pagdiriwang nito ng 58th Founding Anniversary.

Umabot naman sa 75 ang bilang ng boluntaryong nagkaloob ng dugo. Ayon kay Port Manager Barcala, hindi lamang mga staff ng PPA ang kanyang hinikayat kundi gayundin ang mga tauhan ng shipping lines, project contractors, samahan ng mga manininda sa loob ng PPA, land transportation vehicle operators, at maging ang mga residente ng Barangay San Antonio.

Bilang pagpapakita naman ng moral support sa mga donor at pagpapadama ng kanilang pagpapasalamat, nagtungo rito ang bumubuo ng Provincial Blood Council sa pangunguna nina Bise Gobernador Estee, Bokal Romeo Infantado, at Bobby Macalalad. Naroon din sina PSD Manager Efren Leynes, at Chief Safety Officer Bernie Abejero.

Sa kaugnay na balita, upang higit pang mapaghandaan ang mga kinakailangan para sa target na mahigit sa walong daang blood donors, ipagpapaliban muna pansamantala ang nakaplanong Mass Blood Donation sa darating na Disyembre.

Ito ang napagkasunduan sa ika-11 pagpupulong ng konseho sa Kapitolyo kamakailan, sa pangunguna ni Bise-Gobernador Aceron. Dinaluhan ang pagpupulong ng mga myembro ng OMPBC, municipal health officers at ABC Presidents sa lalawigan.

Hunyo 2009, kasabay ng mga aktibidad sa ilalim ng blood donation program ng pamahalaang nasyunal, nakatakdang isagawa ang malawakang blood donation campaign ng OMPBC.

Ipinaabot naman ng konseho na patuloy pa rin ang pagsasagawa ng serye ng blood donation activities sa iba't ibang panig ng lalawigan. (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Media tapped to promote Mindanao
»ECC disposes 88% of claims as of 3rd quarter
»Elementary valedictorians vie for Davao Light cash support
»Philippine Auto-LPG Summit set in Davao City, Nov 27
»Iligan holds 1st National Summit of ICT Councils
»Davao Oriental submits Health Investment Plan to DOH
»UP Visayas holds All-Visayas Creative Writing Workshop to mark UP Centennial
»Gov't prepared to pursue peace talks based on authentic consultations
»APEC leaders agree to bolster cooperation to address financial crisis facing region
»PGMA unveils Rizal's bust at the Rizal Park in Lima
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines