Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 22 September 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2017 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/25

Tagalog News: Talent night ng Ms. Oriental Mindoro, isinagawa

Calapan City (25 November) -- Isinagawa noong Nobyembre 11 ang Talent Night ng 2008 Search for Ms. Oriental Mindoro sa Filipiniana Hotel sa lungsod ng Calapan.

Nahirang sina Ma. Veronica Zuņo ng Gloria, Abbygale Rey ng Bongabong, Rachelle Ann Bustamante ng Victoria, Iona Kim Flores ng Pinamalayan at Kristine Joy Fabunan ng Socorro bilang limang nangunguna sa lahat ng mga kandidatang nagpakita ng kani-kanilang galing at talento.

Taglay ang malamig at magandang boses, nakuha ni Zuno ang atensyon ng mga hurado at manonood ng gabing iyon. Marami naman ang humanga kay Abbygale ng Bongabong sa mala-broadway nitong presentasyon Nakakuha rin ng atensyon ng manonood ang paggamit ni Rachelle Ann ng manikin bilang katuwang nito sa pagsasayaw at ang maindayog niyang pagbe-belly dancing.

Samantalang ang pag-aayos ng bulaklak at pagkakalas at muling pagbubuo ng baril ang kakaiba namang talent na ipinakita ni Iona Kim at ang nakakaakit na pagbe-belly dancing ni Kristine Joy ang nagpasama sa kanya sa top 5.

Naging tampok din sa okasyon ang mga natatanging bilang mula kina Little Big Star finalist Christian Mercado at Salbakuta. Naghandog rin ng ispesyal na bilang si MOMCI President at Bise-Gobernador Maria Estela Felipa Aceron habang hinahandugan ng awitin ang mga kandidata.

Sa patimpalak, naging hurado sina PLDT Assistant Vice President Karen Ting, JTC Group of Companies President Joseph Tan Cua at G. Edwin Encarnacion ng Salbakuta.

Sina Bise-Gobernador Estee at Provincial Legal Officer Atty. Lorrybelle Tanyag, opisyal rin ng MOMCI, ang nagbigay ng opisyal na pagkilala sa Top 5 ng Talent Competition.

Dumalo at nakiisa rin sa okasyon sina Bokal Humerlito Dolor at League of Municipalities of the Philippines-Oriental Mindoro Chapter President at Mayor Wilfredo Hernandez ng Pinamalayan. (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Media tapped to promote Mindanao
»ECC disposes 88% of claims as of 3rd quarter
»Elementary valedictorians vie for Davao Light cash support
»Philippine Auto-LPG Summit set in Davao City, Nov 27
»Iligan holds 1st National Summit of ICT Councils
»Davao Oriental submits Health Investment Plan to DOH
»UP Visayas holds All-Visayas Creative Writing Workshop to mark UP Centennial
»Gov't prepared to pursue peace talks based on authentic consultations
»APEC leaders agree to bolster cooperation to address financial crisis facing region
»PGMA unveils Rizal's bust at the Rizal Park in Lima
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines