Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 24 November 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << November 2017 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/25

Tagalog News: Luksang parangal kay Justice Luciano Joson

Calapan City (25 November) -- Sa ngalan ng mga mamamayan ng Oriental MIndoro, taos-pusong pakikidalamhati ang aming nais ipaabot sa pamilya ng yumaong Justice Luciano Joson na sumakabilang buhay noong Nobyembre 3.

Isang luksang parangal ang pinangunahan ni Gobernador Arnan bilang pagkilala sa mahalagang kontribusyon sa paglilingkod sa bayan ni Atty. Joson bilang gobernador at congressman ng lalawigan bago naging huwes ng Sandiganbayan.

Ayon sa gobernador, tatlong mahahalagang batas ang inakda ni Congressman Joson na malaki ang naging ambag sa kaunlaran ng lalawigan at ng bansa; ang Republic Act 3609 na nagtatag sa bayan ng Socorro; ang Republic Act 4651 na nagtatag naman sa bayan ng Gloria; at ang National Cottage Industry Development Act o NACIDA.

Pakikidalamhati rin sa mga naulila ang paabot ni 1st District Representative Rodolfo G. Valencia at kanyang maybahay. Manifestation of Condolences mula sa Sangguniang Panlalawigan ang iniabot kay Gng. Socorro Joson nina Board Members Humerlito Dolor, Romeo Infantado at Robert Concepcion. Tulad ding resolusyon mula sa Sangguniang Panlungsod ang iniabot kay Gng. Joson ni Councilor's League President Robert Concepcion at City Mayor Salvador Leachon.

Ang mga tulad ni Justice Joson na naglingkod ng mahusay at tapat sa bayan ay hindi kailanman makakalimutan ng mga mamamayan ng Oriental Mindoro. (Provincial Information Office) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Media tapped to promote Mindanao
»ECC disposes 88% of claims as of 3rd quarter
»Elementary valedictorians vie for Davao Light cash support
»Philippine Auto-LPG Summit set in Davao City, Nov 27
»Iligan holds 1st National Summit of ICT Councils
»Davao Oriental submits Health Investment Plan to DOH
»UP Visayas holds All-Visayas Creative Writing Workshop to mark UP Centennial
»Gov't prepared to pursue peace talks based on authentic consultations
»APEC leaders agree to bolster cooperation to address financial crisis facing region
»PGMA unveils Rizal's bust at the Rizal Park in Lima
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines