Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 23 September 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2017 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/25

Tagalog News: P2.7-M libreng pabahay, kaloob ni Gob. Arnan sa 3 bayan sa ikalawang distrito

Calapan City (25 November) -- Ang magkaroon ng sariling bahay at lupa ay pangarap ng bawat pamilya. Sa hirap ng buhay sa mga panahong ito, nananatiling pangarap ito sa mayorya ng mga mamamayan. Subalit para sa 36 na pamilya sa ikalawang distrito, nagkaroon ng katuparan ang pangarap na ito sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan.

Noong Nobyembre 13 pinangunahan ni Gobernador Arnan C. Panaligan ang pagpapasinaya sa humigit kumulang sa P3M core housing units na naipatapos ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng Housing and Settlement Development Program na pinangangasiwaan ng Provincial Social Welfare and Development Office.

Sa bayan ng Bansud, katuwang ng gobernador si Bansud Mayor Ronaldo Morada sa ribbon-cutting ceremony upang pormal na pasinayaan ang 10 core housing units na nagkakahalaga ng P750,000 na kaloob sa kanilang bayan. Sumaksi sa okasyon si Board Member Ferdinand Thomas Soller at PSWD Officer Teresita Umbao.

Walang hanggang pasasalamat ang paabot sa gobernador nina Mayor Morado at ng mga taga-Lingap Kababayan Village, ang mga pamilyang benepisyaryo ng programa.

Isa sa mga pangunahing pangangailangan ng tao ang bahay kaya pinagsusumikapan ng pamahalaan na ito ay matugunan ayon sa gobernador. Taon-taon, aniya, ay may nakalaang pondo para sa mahalagang programang ito.

Labing-anim (16) na yunit naman ang pinasinayaan sa Brgy. Lucio Laurel sa bayan ng Gloria na sinaksihan nina Mayor Romeo Alvarez at Board Member Soller at Madam Umbao.

Umabot sa P1.2M ang kabuuang halaga ng core houses sa Gloria.

Binigyang-diin ng gobernador ang mahalagang ambag ng pamahalaang barangay at pamahalaang bayan upang maisakatuparan ang libreng pabahay na ito sa mamamayan.

Sa pagbibigay katuparan sa kanilang matagal nang mithiin, mainit na pagtanggap at pasasalamat ang hatid sa gobernador ng pamayanan ng Lupang Pangako at nina Mayor Alvarez at Brgy.. Capt. Wilfredo Condesa.

Sampung (10) core housing units din ang naipagkaloob sa Pamana Village sa Brgy. Cacawan sa bayan naman ng Pinamalayan.

Pagkilala sa buong suporta ng gobernador sa pagtulong sa mga nangangailangan nilang kababayan ang pahayag nina Brgy. Capt. Marilyn Marasigan at Mayor Wilfredo Hernandez.

Responsibilidad ng pamahalaan ang magkaloob ng kaukulang serbisyong pampubliko sa mamamayan ngunit inaasahan na magiging responsable rin ang mamamayan na pangalagaan ang mga pinagpunyagian ng pamahalaan para sa kanila. Matamang tagubilin ng gobernador sa mga pamilyang nakinabang sa programa na alagaan ang mga bahay na ipinagkaloob sa kanila at maging mga produktibong myembro ng kanilang mga pamayanan. Kayamanan na nilang maituturing ang mga bahay at lupang ito sapagkat sarili na nila itong pag-aari. (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Media tapped to promote Mindanao
»ECC disposes 88% of claims as of 3rd quarter
»Elementary valedictorians vie for Davao Light cash support
»Philippine Auto-LPG Summit set in Davao City, Nov 27
»Iligan holds 1st National Summit of ICT Councils
»Davao Oriental submits Health Investment Plan to DOH
»UP Visayas holds All-Visayas Creative Writing Workshop to mark UP Centennial
»Gov't prepared to pursue peace talks based on authentic consultations
»APEC leaders agree to bolster cooperation to address financial crisis facing region
»PGMA unveils Rizal's bust at the Rizal Park in Lima
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines