Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 25 November 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << November 2017 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/25

Tagalog News: Misang pasasalamat para sa 58 taon ng Oriental Mindoro

Calapan City (25 November) -- Sentro ng isinagawang pagdiriwang ng ika-58 taong pagkakatatag ng Oriental Mindoro ang Misang Pasasalamat noong Nobyembre 15 sa Sto. Niņo Cathedral sa lungsod ng Calapan.

Pinangunahan ni Father Nestor Adalia, ang kura paroko ng parokya ni Sto. Niņo, at dinaluhan ng mga opisyal at kawani ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna nina Gobernador Arnan at Bise-Gobernador Aceron, ang misa ang nagsilbing napakahalagang seremonya ng pasasalamat sa mga biyayang nakamit ng lalawigan sa nakaraang taon at pananalangin para sa paggabay ng Panginoon sa patuloy na pagbuti ng buhay ng mamamayang Mindoreņo at pag-unlad ng lalawigan ng Oriental Mindoro.

Sa sermon ni Fr. Adalia ipinaalala niyang dapat na isaisip ng bawat mamamayang Mindoreņo na ang pagdiriwang ng kapistahan ng lalawigan ay hindi lamang pagsasaya kundi lalo't higit ang pagpapatibay ng tiwala at pananampalataya sa Panginoon na matatag na pundasyon upang ang bawat pagkilos ng mamamayan ay matiyak na para sa kanyang kabutihan at kabutihan ng kanyang kapwa. Hinikayat rin niyang ipakita ng bawat isa ang pagmamahal sa bayan at pagkilos upang higit itong mapangalagaan.

Makabuluhan din ang naging pahayag ni Gobernador Arnan na ang pinakasentro ay ang patuloy pang pagtutulungan ng bawat Mindoreņo upang ang mga nakamit nitong tagumpay sa nakalipas na limampu't walong taon ay hindi masayang at magsilbing inspirasyon para sa mas maunlad at mas maayos na pamumuhay ng bawat isa. (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Media tapped to promote Mindanao
»ECC disposes 88% of claims as of 3rd quarter
»Elementary valedictorians vie for Davao Light cash support
»Philippine Auto-LPG Summit set in Davao City, Nov 27
»Iligan holds 1st National Summit of ICT Councils
»Davao Oriental submits Health Investment Plan to DOH
»UP Visayas holds All-Visayas Creative Writing Workshop to mark UP Centennial
»Gov't prepared to pursue peace talks based on authentic consultations
»APEC leaders agree to bolster cooperation to address financial crisis facing region
»PGMA unveils Rizal's bust at the Rizal Park in Lima
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines