Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 23 September 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2017 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/25

Tagalog News: Batang Roxas, kampeon sa 2nd SRNH Tour

Calapan City (25 November) -- Nasubok ang tatag at bilis sa pagbibisikleta ng may siyamnapung siklista (bikers) mula pa sa iba't ibang lugar sa 2nd Strong Republic Nautical Highway Tour noong Nobyembre 14 na itinaguyod ng Pamahalaang Panlalawigan bilang bahagi ng 58th Founding Anniversary ng Oriental Mindoro.

Ganap na ikaanim ng umaga, sinimulan ang SRNH tour. Mula sa Kapitolyo ibinuhos ng mga kalahok ang kanilang lakas sa pagpedal sa kani-kanilang bisikleta patungo sa bayan ng Roxas at pabalik sa sa lungsod ng Calapan.

Naging pinakamabilis si Lito Atilano ng bayan ng Roxas na siyang itinanghal na kampeon sa 2nd SRNH Tour.

Pumangalawa kay Atilano si Dante Cagas ng Pasig City at pumangatlo si Mercullo Ramos ng Tarlac City.

Si Gobernador Arnan ang personal na nagkaloob sa mga nagwagi ng tropeo at P25,000 para sa 1st placer; P15,000 sa 2nd placer at P10,000 sa 3rd placer.

Sina Atilano, Cagas at Mercullo rin ang tinanghal na pinakamabilis sa 1st Lap na Calapan hanggang Roxas na tumanggap ng bukod na cash prize na P2,500, P1,500, at P1,000, ayon sa pagkakasunud-sunod.

Samantala sa Roxas-Calapan City lap naman ay nanguna si Frederick Feliciano, na sinundan ni Rodolfo Malangsa, samantalang pumangatlo si Nilo Estayo. Tumanggap sila ng katulad na cash prize ng mga nanalo sa first lap.

Dalawang beses naman nanalo si Arnel Quirimit sa mga sprint na Victoria-Pinamalayan at Roxas-Bongabong. Ang iba pang tinanghal na sprint winners ay sina Atilano para sa Calapan-Victoria sprint; Cagas sa Pinamalayan-Bansud; Lloyd Lucien Reynante sa Bongabong-Gloria; Emil Pablo sa Gloria-Socorro; at Frederick Feliciano sa Socorro-Naujan. Tumanggap ang mga nabanggit ng tig-P2,000 na nagmula sa local government units.

Ikalawang pagkakataon nang itinaguyod ng pamahalaang panlalawigan ang SRNH Tour sa pamamagitan ng Provincial Tourism Office na pinamumunuan ni Orlando Tizon. Huling isinagawa ito noong 2004. (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Media tapped to promote Mindanao
»ECC disposes 88% of claims as of 3rd quarter
»Elementary valedictorians vie for Davao Light cash support
»Philippine Auto-LPG Summit set in Davao City, Nov 27
»Iligan holds 1st National Summit of ICT Councils
»Davao Oriental submits Health Investment Plan to DOH
»UP Visayas holds All-Visayas Creative Writing Workshop to mark UP Centennial
»Gov't prepared to pursue peace talks based on authentic consultations
»APEC leaders agree to bolster cooperation to address financial crisis facing region
»PGMA unveils Rizal's bust at the Rizal Park in Lima
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines