Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 20 November 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << November 2017 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/25

Tagalog News: Rachelle Ann Bustamante ng Victoria, nahirang na Miss Oriental Mindoro 2008

Calapan City (25 November) -- Si Rachel Ann Bustamante ng Victoria ang 2008 Miss Oriental Mindoro.

Mula sa labing-limang naggagandahang kandidata, si Bustamante ay kinoronahan noong gabi ng Nobyembre 14 sa Miss Oriental Mindoro Pageant Night na ginanap sa LEMNAHIS gym.

Si Miss Calapan City Sheila Rosales ang itinanghal na Miss Tourism at si Miss Bongabong Abbygale Rey bilang Miss Mahalta. First runner si Maria Veronica Zuno ng Gloria,2nd runner-up si Ruby Jean Gardoce ng Pola, 3nd runner-up si Kristine Joy Fabunan ng Socorro, at 4th runner-up si Iona Kim Flores ng Pinamalayan.

Maliban sa trophy, tumanggap ng cash prize mula sa Pamahalaang Panlalawigan na P50,000 ang itinanghal na Miss Oriental Mindoro, P30,000 para sa Miss Tourism at P20,000 para sa Miss Mahalta. Bahagi rin ng premyo ang scholarship grant para sa tatlong nanalo mula kay 1st District Rep. Rodolfo G. Valencia.

Tig-P3,000 cash prize naman ang natanggap ng 1st hanggang 4th runner-up.

Nakuha rin ni Bustamente ang Best in Swimsuit at Best in Mangyan-inspired Wear. Siya rin ang itinanghal na Miss Ever Belena.

Samantalang si Rey ng Bongabong ang Best in Talent at Darling of the Press.

Si Rosales ng Calapan City ang nakakuha ng Best in Evening Gown. Siya rin ang Miss Careline.

Nakakuha rin ng minor awards sina Miss Roxas Bianca Festejo bilang Miss Congeniality at Miss Bulalacao Charity Valdez bilang Miss Photogenic.

Dumalo sa okasyon sina Gobernador Arnan, 2nd District Representative Alfonso V. Umali, Jr. Calapan City Mayor Salvador Leachon, Pola Mayor Alex Aranas, Gloria Mayor Romeo Alvarez, Bansud Mayor Ronaldo Morada, Bongabong Mayor Hercules Umali, Bokal Maria Fe Brondial, Bokal Romeo Infantado, Bokal Ramil Dimapilis, at Bokal Humerlito Dolor. Kinatawan naman ni Filipiniana Resort President Arnold Valencia si 1st District Rep. Rodolfo G. Valencia.

Pagbati at buong pagmamalaki sa mga yamang taglay ng lalawigan sa pangunguna ng mga naggagandahang dilag na naglaban ng gabing iyon ang naging buod ng pananalita ng Gobernador.

Kasama ang buong kasapi ng MOMCI, buong pasasalamat ang ipinaabot ni Bise- Gobernador at MOMCI President Maria Estela Felipa Aceron sa lahat ng mga naging katuwang ng Miss Oriental Mindoro Charities, Inc. upang maging matagumpay ang okasyon.

Samantala, naging hurado ng patimpalak sina G. Arnold Mercado ng Mercator Models, Incorported, TV Host Alvin Garcia Sejera ng IBC 13, Lady Grace Plazo Freirer, Jon Avila ng Pinoy Big Brother, at Toni Alyesa Hipolito na dating isa sa mga 26K models sa Kapamilya Gameshow na Deal or No Deal.

Ang Search for Miss Oriental Mindoro 2008 ay nasa ilalim ng pangkalahatang direksyon ni G. Ronald King. (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Media tapped to promote Mindanao
»ECC disposes 88% of claims as of 3rd quarter
»Elementary valedictorians vie for Davao Light cash support
»Philippine Auto-LPG Summit set in Davao City, Nov 27
»Iligan holds 1st National Summit of ICT Councils
»Davao Oriental submits Health Investment Plan to DOH
»UP Visayas holds All-Visayas Creative Writing Workshop to mark UP Centennial
»Gov't prepared to pursue peace talks based on authentic consultations
»APEC leaders agree to bolster cooperation to address financial crisis facing region
»PGMA unveils Rizal's bust at the Rizal Park in Lima
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines