Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 20 September 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2017 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/27

Tagalog News: DIPO makakatulong upang mapababa ang kriminalidad sa Mindanao - PNP

Koronadal City (27 November) -- Sa layuning mapalakas pa ang pagsulong sa kampanya ng pamahalaan na mapababa ang kriminalidad at lawless activities sa Mindanao, binuo ng Philippine National Police (PNP) ang Directorate for Integrated Police Operations (DIPO).

Magiging pinuno ng bagong tanggapan si PC/Supt. Felizardo Serapio, Jr., na siyang mangangasiwa sa police regional offices sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Regions IX at XII.

Binigyang diin ni PNP-ARMM Deputy Regional Director for Administration PS/Supt. Faisal Umpa na ang DIPO ay magsisiguro sa mas epektibong koordinasyon, at supervision ng mga kapulisan sa nabanggit na mga lugar.

Dagda pa ni Umpa ang panibagong development na ito sa PNP ay inaasahang makapagbigay ng positibong epekto sa kampanya laban sa karahasan partikular na ang pagpapa-igting ng kampanya laban sa loose firearms.

Ang nasabing kampanya laban sa loose firearms ay kasalukuyang ipinatutupad sa lalawigan ng ARMM partikular na sa lalawigan ng Sulu, Tawi-Tawi at Basilan kung saan dahil din umano sa mahigpit na pagpapatupad ng checkpoints, mahigit pitumpong (70) assorted firearms na ang nakumpiska ng PNP. (Abbenal/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»TESDA offers Galing training
»Duterte to initiate class suit against NHMFC-Balikatan
»US Ambassador praises local partners in Mindanao infrastructure projects
»China buys more seaweed from Mindanao
»Gov't to push propagation of Pangasius
»Europe, biggest importer of Pangasius
»Reduce growth rate to affect poverty incidence, say experts
»City of Mati to hold Housing Summit
»Commentary: Sustaining SC decision on citihood of 16 cities chaotic
»Southern Leyte PPOC membership reconstituted
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines