Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 15 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/04

Tagalog News: Healthy lifestyle ikinampanya para cancer ay maiwasan sa Bulacan

Lungsod ng Malolos (4 February) -- "No to vices, yes to physical fitness", ito ang susi upang makaiwas sa kanser.

Ito rin ang mensaheng ipinaaabot ng Pamahalaang Panlalawigan sa paglulunsad ng kanilang kampanya kontra kanser na naiulat na pangalawang sanhi ng pagkamatay sa Bulacan at ikatlo naman sa bansa.

Ayon kay Dra. Joy Gomez, pinuno ng Provincial Public Health Office, ang sakit na kanser ay maaaring sanhi ng labis na pag-inom at paninigarilyo, unhealthy diet at pagkaka-expose sa mga mapanganib na kemikal.

Base sa 2007 rekord, 987 kaso ng pagkamatay sa lalawigan na naiulat ay dahil sa sakit na ito.

Ito ang nagbunsod sa mga lokal na opisyal at iba pang ahensiya tulad ng PAL Care na magsagawa ng malawakang kampanya at maglunsad ng mga fitness program sa 569 barangay sa lalawigan.

Naniniwala rin si Gobernador Joselito Mendoza na isa sa mga mabisang paraan ng pag-iwas sa pagkakaroon ng kanser ay ang tamang pag-eehersisyo dahil nakatutulong ito sa pagtanggal ng toxins at pagkakaroon ng maayos na daloy ng sustansiya sa ating katawan.

Samantala, inihayag ni Bb. Josefina Nubla, Vice President at PAL Care Project Coordinator na nakatakda silang magsagawa ng saturation drive sa ilang piling mga barangay sa Meycauayan, Plaridel, Pandi, Sta. Maria, at Norzagaray upang mapigilan ang patuloy na paglaganap ng kanser, gayundin, magsasagawa ng acetic acid wash at pap smear sa mga health center.

Sa darating na Pebrero 27, pangungunahan ng Philippine Media Society and Oncology sa pakikipagtulungan ng unang ginang ng lalawigan, Violy Mendoza ang isang Cancer Awareness Symposium sa Hiyas ng Bulacan Convention Center. (PPAO/PIA Bulacan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Rural program to create 1M jobs
»PGMA understanding sought for thousands of homeowners
»OTI OTOP showroom now accepts orders
»National Arts Month begins
»BIR opens new Mindanao IT training center in Tagum City
»Panabo mayor's dental services reach more barangays
»Cebuano News: Malacanang nagdawat sa imbestigasyon sa Senado kalabot sa mga pre-need nga kompaniya
»CSC clarifies rule on rationalization
»Butuan CENRO gets promotion as full-fledged PENR Officer
»Cebuano News: Surigao del Sur padayon sa pagtigum ug damage reports sa tibuok probinsiya
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines