Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 11 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/04

Tagalog News: PGMA bumisita sa Riyadh, Saudi Arabia

Manila (4 February) -- Mula sa pagdalo ng 2009 World Economic Forum (WEF) sa bansang Switzerland, bumisita ang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Riyadh, Saudi Arabia upang personal na masuri ang kalagayan ng mahigit isang (1) milyong overseas Filipino workers (OFW) sa nabanggit na bansa.

Sa kanyang pagbisita, iniulat ng Pangulo sa mga OFW na nakahanda ang pamahalaan ng Pilipinas upang tulungan ang mga ito kung sakaling sila'y mawalan ng trabaho sa pamamagitan ng paglalaan ng inisyal na pondo na nagkakahalaga ng isang (1) bilyong piso para sa pagbibigay ng tulong pangkabuhayan.

Inaayos na rin ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Overseas Workers and Welfare Association (OWWA) ang pagtatatag ng "help desk" sa iba't-ibang lalawigan sa bansa upang matulungan ang mga OFW na nakauwi na sa Pilipinas.

Kasalukuyan na ring nagsasagawa ng on-line information drive ang pamahalaan sa pamamagitan ng pag-log-in sa phil-job.net na naglalayong matulungan ang mga mamamayang Pilipino na maghanap ng trabaho at employment opportunities sa pamamagitan ng internet.

Dagdag pa ng Pangulo, ang mga nabanggit na programa ay kayang pondohan ng pamahalaan dahil kung ihahambing umano sa iba't-ibang bansa sa buong mundo, ang Pilipinas ay nananatiling "island of stability." (Lgtomas/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Rural program to create 1M jobs
»PGMA understanding sought for thousands of homeowners
»OTI OTOP showroom now accepts orders
»National Arts Month begins
»BIR opens new Mindanao IT training center in Tagum City
»Panabo mayor's dental services reach more barangays
»Cebuano News: Malacanang nagdawat sa imbestigasyon sa Senado kalabot sa mga pre-need nga kompaniya
»CSC clarifies rule on rationalization
»Butuan CENRO gets promotion as full-fledged PENR Officer
»Cebuano News: Surigao del Sur padayon sa pagtigum ug damage reports sa tibuok probinsiya
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines