Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 8 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/05

Tagalog News: Fish dryer ipinagkaloob sa Pakil BFP

Pakil, Laguna (5 February) -- Lubos ang kagalakan at pasasalamat ng mga mangingisda partikular ang Banilan Fish Processors (BFP) sa coastal area ng bayang ito ng ipagkaloob sa kanila ng panlalawigang pamahalaan sa pangunguna ni Governor Teresita S. Lazaro ang 4-in-1 Multi Purpose Portable Dryer na nagkakahalaga ng dalawampung libong piso (20,000).

Ang operasyon sa nasabing fish dryer ay nakapaloob sa isang kasunduan na pinirmahan kamakailan sa pagitan ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ni Provincial Administrator Dennis “DSL” Lazaro bilang kinatawan ng gobernador at Angelito Villegas, kinatawan ng BFP kung saan gagamitin at pangangalagaan ng fish processors.ang nasabing dryer.

Sinabi ng mga mangingisda na malaking tulong sa kanila ang pagkakaroon nitong fish dryer dahil mapapabilis ang fish drying na pangunahin industriya at ikinabubuhay ng mga tao sa kanilag lugar.

Sinabi din na maiiwasan na ang pagkalugi sapagkat mas mabilis ang pagpapatuyo ng isda kaysa sa tradisyunal na pagpapatuyo ng mga ito sa ilalim ng araw.

Ipinaalam ng administrador na ang proyektong ito ay bahagi ng Sulong Laguna-Todo Sigla sa Agrikultura, isa sa mga pangunahing programa sa 7-Point Agenda ni Governor Lazaro na naglalayong iangat ang antas ng pamumuhay sa bawat Lagunense. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Civil Registration Month celebrated this February
»DOT focuses regional tourism
»Little known WW2 battle on display at Davao museum
»Feature: Protecting Davao Oriental's wonder
»Davao creates nutrition evaluation team
»PMAP Davao gears up for strategic workforce planning seminar
»San Isidro pursues aggressive tourism promotion efforts
»Gov't earmarks P1-B for Fil-Expat Livelihood Support Fund, PGMA tells OFWs in Riyadh
»Skills-retooling program going to where OFWs are
»Parents, students welcome drug test
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines