Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 15 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/06

Tagalog News: Mga natatanging lokal na mambabatas, kinilala sa Bulacan

Lungsod ng Malolos (6 February) -- Pinagsamang karanasan at kabataan ang naging puhunan ng mga nagsipagwagi sa katatapos na 2008 Gawad Galing Sanggunian kamakailan na ginanap sa Diamond Hotel, Lungsod ng Maynila.

Sa ikatlong pagkakataon, hinirang na Natatatanging Tagapangulo ng Hapag si Pangalawang Punong Bayan Rino V. Castro ng San Rafael samantalang ikalawa at ikatlong puwesto naman ang nakuha nina Pangalawang Punong Bayan Jessie G. Santiago ng Balagtas at Alner Lim-Raņola ng Calumpit. Kasama ng plake ng pagkilala ay premyong nagkakahalaga ng P50,000, P20,000 at P10,000.

Napili namang Natatanging Konsehal si Gino Carlo Torres mula sa Calumpit na sinundan naman nina Konsehal Florencio Salita ng Bulakan at Dalisay Ople-San Jose ng Hagonoy. Sila ay tumanggap ng plake ng pagkilala at P50,000, P20,000 at P10,000 premyo.

Samantala, nakuha naman ni Ma. Elena M. Lumabas ng Obando ang unang puwesto para sa Natatanging Kalihim ng Sangguniang Bayan kasama ang premyong P25,000. Sina Kalihim Oliva Feliciano ng Calumpit at Kalihim Ma. Perfetua Santos naman ang hinirang para sa ikalawa at ikatlong puwesto at tumanggap ng P10,000 at P5,000 at plake ng pagkilala.

Sabay-sabay namang umakyat ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Calumpit makaraang hirangin sila bilang Natatanging Sangguniang Bayan. Sinundan naman ito ng mga bayan ng Hagonoy at Obando na nagtamo ng ikalawa at ikatlong puwesto. Ang mga nagsipagwagi ay nakatanggap ng P50,000, P30,000 at P20,000 ayon sa pagkakasunod-sunod at plake ng pagkilala.

Samantala, sa mensahe ni Gobernor Jonjon Mendoza, ipinaabot niya ang taus-pusong pagbati sa mga nagwagi at hinimok ang mga itong higit na pagbutihin ang paggawa ng batas para maisulong ang antas ng pamumuhay ng kanilang nasasakupan.

Ayon pa sa kanya, "Dapat tayong magkaisa, isantabi muna natin ang mga partido sa pulitika, kalimutan na ang mga pansariling kapakanan bagkus ay maglingkod ng tapat para sa bayan. Ipakita natin hindi lamang sa Bulacan kundi maging sa buong Pilipinas na tayo ay matatag dahil tayo ay nagkakaisa. Naniniwala ako na dapat lamang kayong kilalanin sapagkat nakikita ko sa inyo ang pagmamalasakit at pagpapahalaga sa inyong mga nasasakupan".

Bukod dito, naggawad din ng special awards para sa Perfect Attendance, Most Improved Session Halls, Ideal Sangguniang Building, Innovation in Sanggunian, Meritorious Performance of Local Chief Executives, Posthumous, at pagkilala sa mga naging presidente ng PCL.

Naroon din upang magbigay suporta sa GGS na pinangunahan ni Bokal Michael Fermin, presidente ng Philippine Councilor's League Bulacan Chapter ang mga punong bayan, pangalawang punong bayan, konsehal at kalihim mula sa 21 bayan at tatlong lungsod sa lalawigan. Dumalo rin sa pagtitipon ang dating punong lalawigan Josie Mendoza-Dela Cruz bilang panauhing pandangal at tagapagsalita. (PPAO/PIA-Bulacan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Australia aids RP law enforcement in Mindanao
»Minds meet to forward Mindanao
»DTI launches projects to combat crisis
»R-XI social workers assist DSWD Northern Mindanao
»Lawmakers urged to discuss Anti-Corporal Punishment Bill
»LCR to gather gov't agencies for efficient system
»PGMA's Bahrain visit 'very successful,' says Prime Minister Shaikh Khalifa
»RP-Bahrain forge agri, fisheries accord
»PGMA 'very concerned' over fate of pre-need plan holders - Remonde
»DSWD 6 girds for adoption consciousness week celebration
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines