Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 25 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/06

Tagalog News: Sto. Toribio-Bulacnin exit, ipapangalan kay ex-Gov. Sanoy Leviste

Lucena City (6 February) -- Sa nakaraang pulong ng Sangguniang Panlalawigan, nagpasa ng resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan na humihikayat sa pamunuan ng STAR Tollway Corporation na isunod sa pangalan ni Gov. Feliciano Sanoy Leviste ang bagong Sto. Toribio at Bulacnin exit na sakop ng Lungsod ng Lipa.

Matatandaan na ang provincial highway na dumadaan sa Levitown,Sto. Toribio, Marawoy at Bulacnin at ang overpass patungong Balete, Batangas at mga lugar sa Taal Lake ay pinangalanan ding Gov. F. Leviste Highway. ANg orihinal na Tambo exit ay pinangalanang Lipa City exit, ang Bulihan exit bilang Malvar exit at Sambat exit na naging Tanauan exit.

Binigyang-diin ni Board Member Mayette Igarta ang pagbubukas ng nasabing toll gate ay nagpapakita ng lalong pag-unlad sa ekonomiya at industriya ng turismo sa lalawigan at iba pang bahagi ng CALABARZON.

Dagdag pa ni Igarta na marapat lamang na pangalanang Leviste exit ang Sto. Toribio-Bulacnin exit bilang pagkilala sa mahusay na paglilingkod ni Governor Sanoy sa loob ng 24 na tao.

Si Leviste ay isang great leader at kinilala bilang Champion of the Community Development", "Father and Brother of the Poor" at Exponent of Grassroot Democracy ay naglingkod bilang gobernador ng Batangas mula Enero 1, 1948 hanggang Disyembre 31, 1971.

Ang mosyon ay inaprubahan ng kapulungan at ang kopya ay ipapadala kay Star Tollway Manager Mark Dumol, District Engineer Nestor Cleofas at Sangguniang Lungsod ng Lipa sa pamamagitan ni Vice-Mayor Lydio Lopez. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Australia aids RP law enforcement in Mindanao
»Minds meet to forward Mindanao
»DTI launches projects to combat crisis
»R-XI social workers assist DSWD Northern Mindanao
»Lawmakers urged to discuss Anti-Corporal Punishment Bill
»LCR to gather gov't agencies for efficient system
»PGMA's Bahrain visit 'very successful,' says Prime Minister Shaikh Khalifa
»RP-Bahrain forge agri, fisheries accord
»PGMA 'very concerned' over fate of pre-need plan holders - Remonde
»DSWD 6 girds for adoption consciousness week celebration
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines