Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 27 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/12

Search for Best PESO sa buong Region 3 muling nakamit ng Bulacan

Lungsod ng Malolos (12 February) -- Muling kinilala ng Department of Labor and Employment (DOLE) si Bulacan Governor Joselito Mendoza bilang Best Local Chief Executive sa katatapos na patimpalak for Best Provincial Employment Service Office (PESO) sa buong Gitnang Luzon.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na iginawad kay Mendoza ang nasabing pagkilala Dahil sa tagumpay na ito, pangungunahan niya ang pagiging ng Gitnang Luzon sa national search na gaganapin sa ikatlong kuwarter ng taon.

Kasabay niyang kinilala si Elizabeth Alonzo, pinuno ng Provincial Youth Sports, Employment, Arts and Culture Office bilang Best PESO Manager sa buong rehiyon para sa first class province category sa pangatlong pagkakataon.

Ang pagkakaroon ng mataas na porsiyento sa larangan ng job placement at malawak na pagpapatupad ng mga proyekto tulad ng Youth Initiated Program for Employment and Entrepreneurship at Kabuhayan Center ang ilan sa mga dahilan kung bakit simula 2006 ay laging nakauungos ang Bulacan sa iba pang probinsiya sa rehiyon.

Ayon kay Mendoza, isang inspirasyon ang paggagawad ng parangal sa kanya lalo pa't patuloy ang krisis sa loob at labas ng bansa. Aniya, patuloy na hahanap ng paraan at solusyon ang Bulacan upang hindi gaanong makaapekto ang global financial crisis sa mga manggagawa sa Bulacan.

"Ang kawalan ng trabaho ay isang suliranin na matagal nang kinakaharap ng bansa bago pa man magkaroon ng malawakang krisis sa ekonomiya at ang parangal na ito ay nagpapatunay lamang na ginagawa natin ang lahat ng ating makakaya upang tulungan ang ating mga kapwa Bulakenyo na makahanap ng magandang trabaho na tutustos sa pangangailangan ng kanilang pamilya. Makakaasa kayo na basta ang mga proyekto ay para sa kapakanan at kabutihan ng mga Bulakenyo, ipapatupad natin," ani Mendoza.

Ginanap ang awarding ceremony noong Pebrero 5, 2009 sa Oxford Hotel, Lungsod ng Angeles, Pampanga. Dumalo din sa pagtitipon sina Regional Director Nathaniel Lacambo ng Department of Labor and Employment at Usec. Reydelus Conferido, Assistant Secretary for Employment and Manpower Development. (PPAO thru PIA-Bulacan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Australia ups support to disaster risk reduction in RP
»MEDA to bring Mindanao voice nearer to central gov't
»NEDA Board approves P6 billion worth of new projects
»BOC awards top importers, exporters
»10-ID expected to finish job by 2010
»DOH XI urges public vigilance on hansen disease
»CSC extends application deadline for CS exam
»Cebu Pacific opens domestic flights to Catarman, Calbayog
»Zumarraga OTOP now operational
»DA 8 issues advisory to prevent spread of animal diseases
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines