Tagalog News: Pagsulong ng Wastong Nutrisyon binigyang pansin
by Andrew Hornales
Koronadal City (16 February) -- Isang programa ang binigyang pansin ng National Nutrition Council (NNC) kaugnay ng pagbibigay alam sa mga kabataan at magulang sa wastong nutrisyon.
Kahapon, matagumpay na idinaos sa Isulan Municipal Gym ang Information and Education Campaign (IEC) na sumusuporta sa Accelerated Hunger Mitigation Program ng pamahalaan upang ipaalam sa mga mag-aaral, guro at magulang ang papel na ginagampanan ng pagkakaroon ng masustansiya at wastong pagkain sa mga hapag-kainan.
Itinampok din sa naturang programa ang mga stand-up comedienne na sina Angelica Jones at impersonator Tita Shawie na pawang nagbigay ng "insights" sa wastong nutrisyon upang maging malusog ang pag-iisip at pangangatawan.
Ang naturang programa ay isinakatuparan sa pakikipagtulungan ng Municipal Government ng Isulan at ng Provincial Government ng Sultan Kudarat. (PPDO-Sultan Kudarat/PIA 12) [top]