Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 14 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/23

Tagalog News: Feature: Malusog na pamumuhay para sa mahabang buhay

by Ma. Idelia G. Glorioso

Butuan City (23 February) -- Narinig na ba ninyo ang patalastas sa telebisyon na "mahirap magkasakit"? Totoo naman ito, lalo na sa panahong ito na dumaranas ang ating bansa ng krisis. Mahirap magkasakit ngayon dahil kahit sa isang pang-gobyernong ospital ka maratay ay kailangan mo pa din gumastos sa gamot at laboratoryo.

Kaya ano ang maaari nating gawin para maiwasan ang pagkakasakit? Wastong pagkain, pag-ehersisyo nang palagian, di paninigarilyo at pag-iwas sa pag-inom ng alak ang pangunahing sangkap ng malusog na pamumuhay.

Sa pagbabago ng pamumuhay ng mga Filipino, mapapansin natin na ang mga chronic denegerative diseases tulad ng sakit sa puso, diabetes, kanser at iba pa ay nagiging public health problems ngayon.

Ayon sa pinakahuling 2003-2004 National Nutrition Health Survey (NNHeS) na isinagawa ng Food and Nutrition Research Institute-Department of Science and Technology (FNRI-DOST), ang porsyento ng mga may diabetes sa mga adult na Filipino ay 3.4% samantalang ang hypertension o alta presyon ay 22.5%. Ibig sabihin nito ay 22 sa bawat 100 Filipino adults ay may alta presyon.

Ang paninigarilyo ay isa sa prevalent risk factors ng sakit sa puso na kasama ang stroke at atake sa puso. Ito ay dahilan ng halos 28,694 na namatay noong taong 2003, ayon kay Dr. Antonio L. Dans, Chairman ng NNHeS Technical Committee. Kahit may malawakang kampanya ng gobyerno laban sa paninigarilyo, lumalabas pa rin na mas maraming Filipino ang naninigarilyo (34.8%) kumpara sa mga Singaporeans (24.2%) at Amerikano (24.1%). Ang obesity o pagiging sobra sa timbang, isa pang risk-factor ng hypertension, ay mas laganap sa mga babae (18.3%) kaysa sa mga lalaki (3.1%).

Paano ninyo maisasagawa ang maayos na pamumuhay o ang tinatawag na healthy lifestyle? Narito ang ilang tips na maaaring gawin: Iwasan ang mga pagkaing mataas sa kaloriya, taba, sodium o asin.; Mag-ehersisyo nang palagain o madalas. Gawin ang pag-eehersisyo nang tatlo o apat na beses sa isang linggo nang 20 hanggang 30 minuto o lagpas pa. Ang ehersisyo ay mainam na pampababa ng timbang, pampaayos ng blood circulation, pampabuti ng muscle tone at efficiency ng puso at baga. Ang pag-eehersisyo ay nakatutulong din sa maayos na pagtulog at pang-alis ng stress.

Huwag din manigarilyo. Ang pinakamagandang panuntunan ay huwag magsimulang manigarilyo sapagkat kapag ito ay nakasanayan ang paninigarilyo ay mahirap nang itigil. Iwasan ang pag-inom ng maraming alak. Kung umiinom man, ito'y nasa katamtaman o moderate lamang na dami. Ang ibig sabihin ng moderate alcohol consumption ay isang bote sa isang araw para sa kababaihan at di lalagpas sa dalawang bote sa isang araw para sa kalalakihan. Ang isang bote ng alcoholic beverage ay katumbas ng isang bote ng beer (12 ounces) o kalahating baso ng alak o wine o isang jigger (1 ounce) ng whiskey o 1 ounce ng gin.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagkain at nutrisyon, lumiham o tumawag sa Food and Nutrition Research Institute-DOST, Bicutan, Taguig, Metro Manila, Tel. No. 837-29-34 or 837-20-71 loc. 2287, FNRI-DOST, email: mar_v_c@yahoo.com; website: http//www.fnri.dost.gov.ph. (FNRI-DOST S&T/ PIA-Caraga) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Feature: EDSA I - history worth remembering, spirit worth perpetrating
»DA bans bird, poultry from Belgium, British Columbia
»PGMA's visit to Zamboanga Sibugay highlights government's zero waste environmental program
»Zambo Norte MSU-IIT alumni gathering slated in Dipolog February 28
»Cebuano News: PGMA nagtawag sa Filipinos nga mokuha ug panig-ingna sa EDSA 1 sa pag atubang sa mga hagit sa pagkakaron
»Cebuano News: P91.3 bilyones gitagana gikan pa niadtong Enero alang sa plano sa pagpalambo sa ekonomiya - Remonde
»Cebuano News: PGMA, FilVets magsaulog sa pagpasa sa balaud sa US nga maghatag ug dugang nga benepisyo ngadto sa mga WW II veterans
»Cebuano News: Grupo sa mga sundalo gidayeg ni Pang. Arroyo tungod sa EDSA 1
»SIPPAD urges investigation of Samar's road construction
»USVA reps in Tacloban to interview Filvets for US benefit claims
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines