Tagalog News: Tulong trabaho ng DPWH
os Banos, Laguna (24 February) -- Isang jobs' fair ang isinagawa ngayong araw (Feb. 23/09) ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng 2nd Engineering Office na nakabase sa bayang ito sa pamumuno ni District Engineer Roberto Bernardo upang makapagbigay trabaho sa mga naapektuhang maggagawa bungsod ng nagaganap na global recession.
Ayon kay Bernardo, ito ay sabay-sabay na isinagawa sa mga pangrehiyon tanggapan ng DPWH sa buong kapuluan para sa skilled at unskilled na manggagawa sa tinatayang limang daang libong (500,000) trabaho sa larangan ng konstraksiyon.
Sinabi na ito ay kabilang sa programa ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na labanan ang negatibong implikasyon ng pandaigdigang krisis sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay trabaho sa mamamayan.
Dahil dito, iniutos umano ng kanilang Kalihim Hermogenes Ebdane, Jr. na ifasttrack sa buwang ito ang biddings para sa P60 bilyong halaga ng proyekto na dapat maipatupad sa unang anim na buwan sa taong ito.
Napagalaman na umaabot sa 4,000 na proyekto na may pondo na aabot sa isang daan at walo (P108 B) na bilyong halaga ang nakalaan para sa imprastraktura ngayong taon.
Ilan sa mga nakatakdang gagawin ng mga matatanggap sa trabaho ay ang pagmintina, repair at rehabilitasyon ng 29,925.96 kilometero ng national roads, magtayo at magkumpuni ng eskwelahan, tulay, farm to market roads, flood control projects at iba pa.
Sa tulong trabaho na ito ng DPWH ay kailangan ang Civil Engineer, Foreman, heavy Equipment Operator, Steel man, piyon, kaminero, mason, Latero at iba pang kahalintulad na trabaho sa konstraksiyon. (PIA) [top]