Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 20 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/26

Tagalog News: Pangulo nanawagan ng suporta sa pribadong sektor

Manila (26 February) -- Nanawagan ang Pangulong Arroyo sa pribadong sektor na patuloy na tulungan ang pamahalaan upang mapagaan ang impact sa ekonomiya ng bansa dala ng pandaigdigang krisis sa ekonomiya sa pamamagitan ng patuloy na pamumuhunan at samantalahin ang maayos na katayuan ng pananalapi ng bansa.

Ito ang binigyang-diin ng Pangulo sa kanyang talumpati sa harap ng mga lokal at international investors sa Philippine Economic Briefing na may temang "Challenges and Opportunities in a Global Crisis" na ginanap sa Dusit Thani Hotel sa Makati City.

Ayon sa Pangulo, alam ng lahat ang pagsubok na nararanasan ng mga bansa sa buong daigdig dahil sa krisis sa ekonomya, nguni't sa kabila nito ay umaasa siya na malalampasan ng bansa ang suliraning ito sa ekonomiya ng daigdig sa pagtutulungan ng pamahalaan at ng pribadong sektor.

Dagdag pa ng Pangulo na ang kanyang binuong reporma sa pananalapi at ekonomiya ay nakatulong upang kahit papaano ay masolusyonan ang suliraning kinakaharap ng buong mundo mula noong isang taon nang tumaas ang halaga ng mga pagkain, gasolina at bigas at ang patuloy na krisis sa pananalapi ng daigdig.

Umaasa ang Pangulong Arroyo na sa tulong ng pribadong sektor ay makakamit ang kanyang mithiin na mapabuti ang estado ng pamumuhay sa Pilipinas (ABB/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Lalago ang kalakal sa magandang daan
»Tagalog News: Marikina-Infanta Road, malaking tulong sa kaunlaran ng Quezon
»Tagalog News: Malawak na daan, tungo sa kaunlaran
»Tagalog News: Tungkulin ang seguridad at kaligtasan ng mamamayan
»PGMA visits hydropower plant in Davao del Sur
»Mindanao gets 30% of agri budget
»RP inches towards energy security
»Displaced OFWs from Mindanao to get P2.7 million for livelihood projects
»PGMA urges private sector to help protect RP from global recession
»Job hunts top 23rd EDSA I celebration
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines