Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 29 September 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/03/25

Tagalog News: Sakit sa bato, pansampu sa mga pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga Pilipino

by Bennie A. Recebido

Sorsogon Province (March 25) -- Sakit sa bato o kidney disease ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkakamatay ng mga Pilipino.

Ito ang pinakahuling tala ng Department of Health sa kanilang mortality statistics noong 2007 kung saan base sa kanilang regional reports isangdaan at dalawampung Pilipino sa bawat isang milyong populasyon ang tinatayang bilang ng mga pasyenteng may end-stage renal disease.

Ang end-stage renal disease ay isang estado ng sakit sa bato kung saan hindi na maaaring maibalik sa normal na kondisyon ang bato o kidney ng isang tao.

Sa presentasyon ni Dr. Remedios de Belen-Uriarte, Program Manager ng Renal Disease Control Program ng National Kidney and Transplant Instritute (REDCOP-NKTI), sa isinagawang Trainer's Training on REDCOP noong March 17-20, sa populasyon ng Pilipinas na 88.57 million noong 2007, tinatayang 10,644 dito ang may insidente ng end-stage renal disease na nangangailangan na ng dialysis o kidney transplant.

Ang dialysis ay isang uri ng gamutan kung saan ang dialysis machine na ikinakabit sa pasyente ang siya nang gumagawa ng dapat sana ay trabaho ng kidney organ ng isang tao.

Sa annual report naman ng Philippine Renal Disease Registry (PRDR) ng DOH, 7,109 ang aktwal na bilang ng mga bagong pasyenteng nakararanas ng end-stage renal disease o nasa huling estado ng malalang sakit sa bato at sinimulan nang sumailalim sa dialysis. At sa kabuuang bilang na ito ng mga bagong pasyente, 1,046 lamang ang nakakayang sumailalim sa kidney transplant dahilan sa kamahalan ng halaga nito at kawalan na rin ng mga posibleng organ donor.

Ayon pa kay Uriarte, umaabot sa P2,500 hanggang P3,000 ang halaga ng dialysis sa bawat session at kadalasang dalawa hanggang tatlong ulit sa isang linggo na sasailalim sa dialysis treatment ang isang pasyenteng nasa end-stage renal disease. Habang ang halaga ng kidney transplant naman ay umaabot ng kalahating milyon hanggang isang milyong piso, hindi pa kasama dito ang mga gastusin sa laboratoryo at mga gamot.

Kung kaya't ayon kay Dr. Antonio Paraiso, Nephrology consultant ng NKTI, kung hindi agad na matutuklasan ang karamdamang ito ay maaaring mauwi sa malubhang pagkakasakit o di kaya'y pagkamatay.

Ayon pa kay Paraiso, mahalagang magpaeksamen ng ihi o magkaroon ng urinalysis minsan sa isang taon nang sa gayon ay malaman kung may problema sa ihi na maaaring senyales ng sakit sa bato o kidney.

Sa pagsusuri ng ihi sa laboratoryo, maaaring makita kung may protina, glucose, dugo o nana sa ihi kung saan mga palatandaan ito na nangangailangan ng masusing pagsusuri ng isang doktor.

Ayon pa sa kanya, nararapat na bigyang pansin ng sinuman ang mga sakit na tulad ng Urinary Track Infection, Glumerulonephritis o pamamaga ng maliliit na ugat sa nephrons, pamamanas ng katawan at pagkakaroon ng bato sa kidney sapagkat ito ang magsisilbing dahilan upang lumala ang sakit sa bato o kidney at tuluyang mauwi sa renal failure. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Drug resistant TB center to rise in Davao
»10-ID celebrates 112th PA Anniversary, honors best CAA of year
»DTI Davao Norte offers simulated business mgm't training
»DSWD releases P18.7-M for emergency assistance
»Consumer education not a new subject in high school, says official
»BIR to implement Oplan Kandado
»Davao LTO airs views on strike
»Pres'l assistant asks PGMA to re-study new LTO penalties
»Gov't mulls unemployment insurance
»Tagalog News: Unemployment insurance, isusulong ng NEDA
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines