Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 26 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/01/05

Tagalog News: Paglipat ng venue ng NSPC 2010 iminungkahi ng mga magulang

Koronadal City (5 January) -- Iminungkahi ng mga magulang ng mga mag-aaral na nakatakdang dadalo sa National Schools Press Conference (NSPC) sa Department of Education (DepEd) ang paglipat ng venue ng nasabing event mula sa Mindanao.

Ayon sa mga magulang ng mga nanalong partisipante ng NSPC noong nakaraang taon, dapat umanong ilipat ang venue ng 2010 NSPC na nakatakdang gagawin sa February 22 hanggang 26 sa Lungsod ng Tagum sa Davao del Norte dahil sa pangamba sa seguridad at kaligtasan ng kanilang mga anak.

Ikinababahala umano ng mga magulang ang pagdaraos ng NSPC 2010 sa Mindanao lalo na't ito ay pinangyarihan ng mga karahasang tulad ng Maguindanao massacre at ang napaulat na kidnapping lalo na ng mga guro at mag-aaral sa Basilan.

Sa halip iminungkahi ng mga magulang ang pagdaraos ng Press Conference sa alinmang ligtas na lugar sa Visayas o sa Luzon at nanawagan sa DepEd na ayusin ang security concerns ng press conference bago ito magbibigay ng pahintulot sa kanilang mga anak.

Ang paligsahan sa individual at group writing ay iikot sa tema ng 2010 NSPC na "Campus Journalism as a Catalyst for Change: Achieving the Millennium Development Goals by 2015," ayon kay DepEd NSPC 2010 overall chair, Dr. Lolita Andrada. (ac agad PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»66IB troopers rescue victims of vehicular mishap
»Terrorists' victims in Southern Mindanao region rise to 83 at yearend
»Comelec no right to disqualify militants without complaints, explains official
»Feature: Rizal Day echoes call for justice
»Davao gets award for anti-smoking efforts
»Teachers to have easier time in May polls - Comelec
»79 murdered by NPA in 2009, says military
»Gov. Uy wishes a peaceful Comval, election
»Datu Khomeini performs in Tagum
»Cebuano News: P1.5M kantidad sa tseke gipang apod-apod ni Mayor Silvosa
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines